Ikaw Lang Talaga

5 views

Lyrics

Nandito na naman ako sa may kanto
 Nag-iisip, nalilito kung ano ang gagawin ko
 Gumagawa ng paraan upang malaman mo
 Ikaw lang talaga ang mahal ko
 (Ah) nang hindi tayo mag-usap sa telepono
 (Ah) nagalit ka, sumigaw pa at ako'y binagsakan mo
 'Di pa ba sapat ang mga paliwanag ko?
 Nais mo pa bang magkalayo tayo?
 Nakita kita, kasama ng barkada mo
 Nilapitan kita at ako'y ini-snob mo
 Ano pa ba kaya ang gagawin ko?
 Nais mo pa bang magkalayo tayo?
 ♪
 Nakita kita, kasama ng nanay mo
 Nilapitan pa kita at ako'y ini-snob mo
 Ano pa ba kaya ang gagawin ko?
 Nais mo pa bang magkalayo tayo?
 (Ah) nandyan na naman ako sa may kanto
 Nag-iisip, nalilito kung ano ang gagawin ko
 Gumagawa ng paraan upang malaman mo
 Ikaw lang talaga ang mahal ko (ikaw pa rin)
 Ikaw lang talaga ang mahal ko (ikaw pa rin)
 Ikaw lang talaga ang mahal ko
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:32
Tempo
159 BPM

Share

More Songs by APRIL BOYS

Albums by APRIL BOYS

Similar Songs