Jeepney Driver

3 views

Lyrics

Ale, sakay, mama, sakay, hanggang sa likuran
 Punuin niyo lang itong jeepney ko at ako'y masisiyahan
 Ako ay isang jeepney driver lang
 Nagpipilit mabuhay na marangal, ah-ah-al
 Manibela ko ay aking agahan
 Maghapon na akong nasa daan
 Mga barya ay aking iniipon
 Itinatabi para sa pangkrudo, oh-oh-oh
 Minsan, sasakyan ay nasisiraan ng bait
 Sa sira-sirang daan napapadaan
 Ale, sakay, mama, sakay, hanggang sa likuran
 Punuin niyo lang itong jeepney ko at ako'y masisiyahan
 Buhay ng isang driver sa may daan
 Para kang nakikipagsapalaran
 Traffic ay lagi kong kalaban
 Mga baha ay 'di maiwasan, ah-ah-an
 Hirap at pagod na lagi nang nasa katawan
 Sa tugtog ng radyo ay gumagaan
 Bilis ng mata'y kailangan
 Tatag ng kamay sa manibela, ah-ah-ah
 Mga paa, laging nakahanda sa pagpreno
 Para makarating sa pupuntahan, hey
 Ale, sakay, mama, sakay, hanggang sa likuran
 Punuin niyo lang itong jeepney ko at ako'y masisiyahan
 Buhay ng isang driver sa may daan
 Para kang nakikipaghabulan
 Sakay na!
 ♪
 Buhay ng isang driver sa may daan
 Para kang nakikipagsapalaran
 Matatanong kung bakit driver lang
 Ang napili kong hanapbuhay, ah-ah-ay
 Pero kapag nakita kong wala ka nang masakyan
 Kasagutan ay 'yong malalaman
 Ale, sakay, mama, sakay, hanggang sa likuran
 Punuin niyo lang itong jeepney ko at ako'y masisiyahan
 Buhay ng isang driver sa may daan
 Para kang nakikipagsapalaran
 Tara!
 Ale, sakay, mama, sakay, hanggang sa likuran
 Punuin niyo lang itong jeepney ko at ako'y masisiyahan
 Buhay ng isang driver sa may daan
 Para kang nakikipagsapalaran
 Sakay na kayo!
 Oh, Cubao, Cubao, Cubao
 Oh, aalis na (makikiusod lang ho)
 'Ma, bayad, oh, dalawa, kanto lang
 Mama, para ('ma, para, bababa na kami, mama)
 Bawal dito, tatabi tayo, tatabi, mahuhuli tayo, bawal dito (uy)
 D'yan lang sa kanto, d'yan lang sa kanto (uy)
 Para, para, 'ma, para (uy)
 'Ma, para (may manghuhuli daw, tabi, tabi kayo, tabi)
 Uy, lisensiya mo
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:33
Key
4
Tempo
181 BPM

Share

More Songs by APRIL BOYS

Albums by APRIL BOYS

Similar Songs