Tricycle

7 views

Lyrics

Traysikel ang aking hanapbuhay
 Kakainin ko'y dito nakasalalay
 Umaga pa lang, kumakayod na
 Para may panglangis at may panggasolina
 Kailangan ko'y sipag at tiyaga
 Sa Tag ulan kahit basang-basa
 Umaaraw man, bumabaha man
 Kailangan ang tungkulin ko dito para sa bayan
 Minsan nilalait kase maliit
 Ang kita ko sa maghapon na sobrang hapis
 Hindi nila alam kahit ako'y ganyan
 Isa akong bayani dito para sa bayan
 Minsan kulang at minsan ay sobra
 Ang bayad ng pasahero kung minsan masungit pa
 Kahit na ganito, itong buhay ko
 Kaysarap kumain ng pinaghirapan mo
 Traysikel ang aking hanapbuhay
 Kakainin ko dito'y nakasalalay
 Umaga pa lang, kumakayod na
 Para may panglangis at may panggasolina
 Magpasukan na ako ay bising bisi
 Sa pagsakay at pagbaba ng mga estudyante
 Kahit ako'y pagod na, umaarangkada pa
 Para magpahinga ako ng mas maaga
 Minsan si lola ang aking sakay
 Kasama ang apo niyang walang kasing ganda
 Kinakausap lang, tinitingnan ko lang
 Nagalit na si lola, at ako ay piningot pa
 Traysikel ang aking hanapbuhay
 Kakainin ko dito'y nakasalalay
 Umaga pa lang, kumakayod na
 Para may panglangis at may panggasolina
 Sabi ni Inay, ingat ka lang
 Huwag nalang magtraysikel kapag umuulan
 Hindi niya alam, kapag umuulan
 Maraming pasahero ang aking natutulungan
 Traysikel ang aking hanapbuhay
 Kakainin ko dito'y nakasalalay
 Umaga pa lang, kumakayod na
 Para may panglangis at may panggasolina
 Kaya ako'y nagtraysikel lang
 Mahirap talagang kumita ng pera
 Kahit na ganito, itong buhay ko
 Kay sarap kumain ng pinaghirapan mo
 Traysikel, Traysikel
 Umaga pa lang, kumakayod na'ng Traysikel
 Traysikel, Traysikel
 Umaga pa lang, kumakayod na'ng Traysikel
 Traysikel, Traysikel
 Umaga pa lang, kumakayod na'ng Traysikel
 Traysikel, Traysikel
 Umaga pa lang, kumakayod na'ng Traysikel
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:49
Key
9
Tempo
125 BPM

Share

More Songs by APRIL BOYS

Albums by APRIL BOYS

Similar Songs