Nananaginip

4 views

Lyrics

Lahat nawala, lahat humupa
 Ikaw ang nauna, ikaw ang nagpasiya
 At ako'y naiwang nakatulala sa tala
 Bumalik sa 'king tabi
 Nawawala ang pighati
 Lahat ng ito, iisang hiling
 Nananaginip nang lasing, mananaginip nang gising
 Mga pangako mong nawalan ng silbi
 Nananaginip nang lasing, mananaginip nang gising
 Ibabalik muli tulad ng dati
 Sa pagsapit ng dilim
 Ako'y umaasa lagi
 Na mahagkan ka
 At mayakap ka
 Ngayon, ika'y nakasilip
 Mistulang batang nakaidlip
 Hinihiling na ikaw ay patawarin
 Ng puso kong sira ang damdamin
 Nananaginip nang lasing, mananaginip nang gising
 Mga pangako mong nawalan ng silbi
 Nananaginip nang lasing, mananaginip nang gising
 Ibabalik muli tulad ng dati
 Nananaginip nang lasing, mananaginip nang gising
 Mga pangako mong nawalan ng silbi
 Nananaginip nang lasing, mananaginip nang gising
 Mga pangako mo (mga pangako mo), mga pangako mo (mga pangako mo)
 Nananaginip nang lasing, mananaginip nang gising
 Ibabalik muli tulad ng dati
 Ngunit ang lahat ay panaginip
 Gusto ko nang magising

Audio Features

Song Details

Duration
04:19
Key
9
Tempo
136 BPM

Share

More Songs by Callalily

Albums by Callalily

Similar Songs