Niyebe - Demo

1 views

Lyrics

Huwag kang matakot bumangon
 Limutin na ang pagtapon
 Akin na'ng kamay mo't sabay tayong umahon
 Ang gabi'y hindi maaagaw
 Magkasama hanggang umaraw
 Magkahawak-kamay at iiwanan ang kahapon
 Pero kung sa isip lang magaganap
 Kahit gising, ako'y mangangarap
 Iisiping...
 Magkatagpo tayong dalawa
 Kahit hindi tayo itinadhana
 Susubukang abutin, pangalan mo'y sasambitin
 Ang puso ko'y iyong iyo
 ♪
 Pagod na rin na magpanggap
 Sabik na 'ko sa 'yong yakap
 Mahawakan ang kamay at 'di na bibitawan
 Kung sabihin man ang pagtingin
 Sana sa 'yo ay ayos din
 Magkahawak-kamay na hahamunin ang kapalaran
 Pero kung sa isip lang magaganap
 Kahit gising, ako'y mangangarap
 Iisiping...
 Magkatagpo tayong dalawa
 Kahit hindi tayo itinadhana
 Susubukang abutin, pangalan mo'y sasambitin
 Ang puso ko'y iyong iyo
 Magawa man nilang ika'y maliitin
 Iba ka sa nalalabing mga bituin
 Ikaw ma'y niyebeng 'di mahuhulog sa 'kin
 Pipiliting...
 Magkatagpo tayong dalawa
 Kahit hindi tayo itinadhana
 Susubukang abutin, pangalan mo'y sasambitin
 Ang puso ko'y pipiliting...
 Magkatagpo tayong dalawa
 Kahit hindi tayo itinadhana
 Susubukang abutin, pangalan mo'y sasambitin
 Ang puso ko'y iyong iyo
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:42
Key
9
Tempo
169 BPM

Share

More Songs by Eleazar Galope'

Albums by Eleazar Galope'

Similar Songs