Miss U - Miss, Miss sa loob ng Jeepney

3 views

Lyrics

Minsan, sumakay ako ng jeep, galing ng eskuwela
 Mayro'n akong nakita, sumakay na magandang dalaga
 Etong chick ay sexy talaga at sos ang dating
 Kaya naisipan kong magpa-cute at magpapansin
 Oh, anong tuwa ko nang abutin ko ang kaniyang bayad
 Para akong asong ulol, bow-wow-wow na nagkakandarapa
 Halos magkanda-haba, haba, haba, haba, haba, haba
 Ang aking kamay sa pag-abot ng kaniyang sukli
 Sabay bigla akong nag-"Hi" (hi)
 Miss, miss, sa loob ng jeepney
 Sana naman ako ay bigyang pansin
 Miss, miss, sa loob ng jeepney
 Sana naman ako ay bigyang tingin
 Tingin naman diyan
 Tingin naman diyan
 Isa lang po ang aking problema
 Kung paano ko siya makikilala
 Eh, pumara ang jeep, sumakay si lola
 Eh, puno na pala
 Kahit 'di ko gawain, ako'y napilitan, "Lola, dito ka na"
 Nang ako'y nakasabit na, bigla ang bulong niya
 "Ingat ka, baka ka madisgrasya"
 Ako'y na-shock sa caring niya
 Ako'y na-shock kasi concern siya
 Pumalakpak ang aking tanga
 Plak, plak, plak, ang sabi ng aking tainga
 Miss, miss, sa loob ng jeepney
 Sana naman ako ay bigyang pansin
 Miss, miss, sa loob ng jeepney
 Sana naman ako ay bigyang tingin
 Tingin naman diyan
 Tingin naman diyan
 Pagdating sa dulo biglang na-traffic, may banggaan daw sa kanto
 Nagkabanggaan ang aming tingin, nauwi sa mabuting usapin
 Nagkabanggaan, nagkahabaan ang aming usapan
 Mula kababawan hanggang kalaliman, 'di ko namalayan
 Siya pala ay papara na
 "Goodbye, goodbye" ang sabi niya
 "Goodbye, goodbye, hanggang sa muling pagkikita"
 Goodbye, goodbye, goodbye, goodbye, goodbye
 Nakalimutan kong itanong, pangalan niya at tirahan niya
 Nakalimutan kong isulat, phone mumber niya o beeper number niya
 Nakalimutan kong sabihin ang pangalan ko at ang bayan ko
 Nakalimutan ko, nakalimutan ko, nakalimutan ko pati bayad ko
 Miss, miss, sa loob ng jeepney
 Sana naman ako ay bigyang pansin
 Miss, miss, sa loob ng jeepney
 Sana naman ako ay bigyang tingin
 Miss, miss, sa loob ng jeepney
 Sana naman ako'y kausapin
 Miss, miss, sa loob ng jeepney
 Pamasahe mo'y aking aabutin
 Pa'no kita hahanapin?
 Pa'no kita hahagilapin?
 Eh, hinabol ako ng driver na sinasakyan natin
 Kaya, kaya, kaya, kaya
 Nag-one, two, three ako, takbo na
 Oy, oy, bayad nimo
 Oy, bayad nimo
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:26
Key
1
Tempo
162 BPM

Share

More Songs by Grin Department

Albums by Grin Department

Similar Songs