Huwag Mo Sanang Saktan

7 views

Lyrics

'Di mo ba nararamdaman
 Kapag kita'y hinahagkan?
 Pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
 Huwag mag-alinlangan
 O kay lamig ng gabi, ba't 'di ko masabi sa 'yo?
 Ang nadarama ko, gayong nandito ako
 Sa harap mo't sana'y malaman mo
 Ako'y iyong-iyo, mahal ko
 Huwag mo sanang saktan (huwag mo sanang saktan) ang damdamin kong ito
 'Di ka sana magbago
 'Yan lang ang tanging hiling ko
 Ibibigay lahat sa 'yo (ibibigay lahat) pati buong buhay ko
 Huwag lang ipagkait ang tunay na pag-ibig mo
 'Di ka ba nasisiyahan sa pagmamahal na dulot ko?
 Sana'y sabihin mo (sana naman)
 Lumigaya ka sa piling ko
 O kay lamig ng gabi, ba't 'di ko masabi sa 'yo?
 Ang nadarama ko, gayong nandito ako
 Sa harap mo't sana'y malaman mo ('di mo ba napapansin?)
 Ako'y iyong-iyo, mahal ko
 Huwag mo sanang saktan (huwag mo sanang saktan) ang damdamin kong ito
 'Di ka sana magbago
 'Yan lang ang tanging hiling ko
 Ibibigay lahat sa 'yo (ibibigay lahat) pati buong buhay ko
 Huwag lang ipagkait ang tunay na pag-ibig mo
 ♪
 Huwag mo sanang saktan (huwag mo sanang saktan) ang damdamin kong ito
 'Di ka sana magbago
 'Yan lang ang tanging hiling ko
 Ibibigay lahat sa 'yo (ibibigay lahat) pati buong buhay ko
 Huwag lang ipagkait ang tunay na pag-ibig mo ('wag ka sana magbago)
 Huwag lang ipagkait ang tunay na pag-ibig mo
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:48
Key
9
Tempo
142 BPM

Share

More Songs by JEROME ABALOS

Albums by JEROME ABALOS

Similar Songs