Diwata

4 views

Lyrics

Ilang oras pa lamang nang tayo'y nagkita
 Sa 'yong mga yakap, agad nangungulila
 Ikaw ang sigla na humahaplos sa 'king buhay
 'Pag nalulumbay
 Ang 'yong mga labi'y humahalimuyak
 'Pag nasisilayan, parang ginto at pilak
 Ikaw ang diwatang tumapak sa lupa
 Na wala nang papantay
 Tumatanaw sa 'yo ang langit
 Ang 'yong ganda'y kaakit-akit
 Pangarap ko'y ikaw
 Dalangin ko ay mahagkan ka
 Sa paglipas ng panahon
 Ang tinig mo'y parang agos ng sapa
 Hinding-hindi magwawagas ang pag-ibig
 Mahal kita
 ♪
 Ang 'yong mga mata'y
 Kasingkulay ng punong mahinhin
 Sumasabay sa agos ng hangin
 Tumatanaw sa 'yo ang langit
 Ang 'yong ganda'y kaakit-akit
 Pangarap ko'y ikaw
 Dalangin ko ay mahagkan ka
 Sa paglipas ng panahon
 Ang tinig mo'y parang agos ng sapa
 Hinding-hindi magwawagas
 Dalangin ko ay mahagkan ka
 Sa paglipas ng panahon
 Ang tinig mo'y parang agos ng sapa
 Hinding-hindi magwawagas ang pag-ibig
 Mahal kita
 Mahal kita
 Mahal kita
 Mahal kita
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:43
Key
7
Tempo
140 BPM

Share

More Songs by Jireh Lim

Albums by Jireh Lim

Similar Songs