Chiksilog

2 views

Lyrics

Magdamag nag-aabang, maglalaro kaya
 Ang dalagang nagtatago sa alyas na "Maldita"?
 Sa dating tagpuan, sa bayan ng Prontera
 Sa tabi ng tindahan ng magic at sandata
 ♪
 No'ng minsan nga ay nag-alay ka pa ng buhay mo
 Nang kinalaban natin ang mga bagong dayo
 Natalo nga sila at nagyaya kang magsaya
 Tanging hinihintay ang makita ka
 Alas-dos no'ng linggo (sa Gotesco)
 Nagpolo pa ako (at nagpabango)
 Nananabik habang (hinahanap ka)
 Tumigil ang mundo (nang makita ka)
 Chiksilog, ako ay nahulog
 Nilinlang, niloko, alam ko na'ng sikreto mo
 Chiksilog, ako ay nahulog
 Nilinlang, niloko, alam ko na'ng sikreto mo
 ♪
 Walang saysay pag-level, ang pantasiya ay nasira na
 Ang inipong lakas, naglaho parang bula
 Kaya pala ang husay mo sa espada
 Si "Maldita" ay lalake pala
 Alas-dos no'ng linggo (sa Gotesco)
 Nagpolo pa ako (at nagpabango)
 Nananabik habang (hinahanap ka)
 Tumigil ang mundo (nang makita ka)
 Chiksilog, ako ay nahulog
 Nilinlang, niloko, alam ko na'ng sikreto mo
 Chiksilog, chiksilog
 Chiksilog, alam ko na'ng sikreto mo
 ♪
 Ah-ah-ah-ah
 Itanong mo sa akin ang question mo
 Ah-ah-ah-ah
 Itanong mo sa akin ang question mo
 Ah-ah-ah-ah
 Itanong mo sa akin ang question mo
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:48
Key
4
Tempo
176 BPM

Share

More Songs by Kamikazee

Albums by Kamikazee

Similar Songs