Magtanim ay Di Biro

3 views

Lyrics

Magtanim ay 'di biro
 Maghapong nakayuko
 'Di naman makatayo
 'Di naman makaupo
 Braso ko'y namamanhid
 Baywang ko'y nangangawit
 Binti ko'y namimitig
 Sa pagkababad sa tubig
 Sa umagang paggising
 Lahat ay iisipin
 Kung saan may patanim
 May masarap na pagkain
 Braso ko'y namamanhid
 Baywang ko'y nangangawit
 Binti ko'y namimitig
 Sa pagkababad sa tubig
 Halina, halina, mga kaliyag
 Tayo'y magsipag unat-unat
 Magpanibago tayo ng lakas
 Para sa araw ng bukas
 Halina, halina, mga kaliyag
 Tayo'y magsipag unat-unat
 Magpanibago tayo ng lakas
 Para sa araw ng bukas
 Para sa araw ng bukas
 

Audio Features

Song Details

Duration
02:20
Key
10
Tempo
92 BPM

Share

More Songs by Lea Salonga'

Similar Songs