Sampaguita
3
views
Lyrics
Sampaguitang walang kaparis Ang bango mo'y kaakit-akit Saksi ka ng mga pusong nagsusumpaan sa pag-ibig At ngayon ko naaalala Ang kahapon anong ligaya Ikaw ang bulaklak na naging kwintas kong galing sa aking sinta Buhat noon Ang kwintas ng aking puso Ay patak ng luha Sa pagkasiphayo Ang irog ko'y hindi tapat sa pangako Ang tunay na sumpa Ang ikaw ang saksi naging biro Habang nag-iisa Sinasariwa sa alaala Ang sampaguita nang pagsintang Sa puso ko'y 'di na malalanta
Audio Features
Song Details
- Duration
- 03:13
- Key
- 9
- Tempo
- 78 BPM