Simple Lang 'Tol

4 views

Lyrics

Noong isang umaga
 Nakita ko ang hamon
 Nahulog sa dahon
 Tumalsik sa ilog
 Narinig ko ang tunog
 Mayroong sinabi
 "Umuwi ka na, anak
 Ang mundo'y hindi para sa 'yo"
 Sabihin mo sa akin
 Kung ano'ng hinahanap mo
 Bakit ka nalilito? Bakit ka nalulungkot?
 Pakinggan mo itong sasabihin ko sa 'yo
 Mga araw ay lumilipas
 Marami ka nang naaaksaya
 Hindi mo pa nalalaman
 Marami ka pang magagawa
 Hindi mo na kailangan pang
 Tumayo sa 'yong kinalalagyan
 Tumingin ka sa iyong paligid
 Ito'y naghihintay lamang
 Simple lang 'tol, nasa 'yong mga mata
 Kung titingin ka'y 'wag sa balat kayo
 Bakit ka naliligaw? Bakit ka nagdurusa?
 Pag-ibig lang pala ang kailangan mo
 Kay tagal na nitong mensahe kong ito
 Ngunit ngayon ko pa lang aawitin sa inyo
 Tutugtugin kong muli, inihahandog ko sa inyo
 Simple lang 'tol, nasa 'yong mga mata
 Kung titingin ka'y 'wag sa balat kayo
 Bakit ka naliligaw? Bakit ka nagdurusa?
 Pag-ibig lang pala ang kailangan mo
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:32
Key
4
Tempo
129 BPM

Share

More Songs by Mike Hanopol

Albums by Mike Hanopol

Similar Songs