Hadlang

2 views

Lyrics

Sa unang beses na tinignan kita
 Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama
 Sa ikalawang beses na tinignan ulit
 kita, alam kong may kakaiba sa iyong mga mata
 Sa ikatlong beses na liningon kita, nasiyahan ako dahil nakatingin ka
 Ngunit sa huling beses na lingunin ulit kita,
 kasabay ko nang lumingon ang iba pang mga mata
 Mga matang naglalaman ng sari-saring panghuhusga
 Mga matang nagpapahiwatig sa atin na
 itigil na natin ang kahibangan nating dalawa
 Mga matang pilit pinapamuka sa atin na hindi tayo para sa isa't isa
 Sinubukan kong pigilan ang aking nararamdaman
 Mga damdaming sabay nating sinimulan
 At damdaming kailangan na nating bitawan dahil sa
 tingin ng lahat ay ito'y para din sa ating kabutihan
 Pero teka
 Anong bang alam nila sa ating dalawa?
 Wala! Wala silang alam sa nararamdaman ko
 Sa kung paanong paulit-ulit nahuhulog sa'yo
 Wala silang alam,
 kung gaano ako kasaya sa tuwing magkabigkis ang kamay nating dalawa
 Wala silang alam na walang mapaglagyan ang
 aking kasiyahan sa tuwing yayakapin mo ako
 At ibubulong na, "akin ka"
 Wala silang alam kung gaano kasarap
 mabuhay nang merong ikaw sa tabi ko
 Na alam kong mamahalin ako ng totoo
 Wala silang alam,
 sa sobrang pagmamahal ko sa iyo naisipan kong gumawa ng palasyo
 Palasyo na sa ating dalawa'y ekslosibo
 Mahal, tayo na
 Tayo na sa palasyo kung saan tayo ay malaya
 Sa palasyo saan tayo'y malayo sa mga taong makamundo
 Kung saan malaya nating maipapahayag ang nararamdaman natin
 Isang lugar kung saan walang humahadlang sa atin
 Ngunit, gaya ng pagyakap ng dilim sa liwanag
 Bigla kong naramdaman na mag-isa na lang pala ako sa ating palasyo
 Mag-isa na lang pala akong nagsasayaw sa indayog ng ating pagmamahalan
 Sa pagmamahalang pilit winawasak ng karamihan
 Sa sobrang lakas nila, nawasak nila ang ating bulwagan
 Sa sobrang lakas nila,
 nasira nila ang barikadang itinayo nating dalawa
 Masakit
 Pero kailangan kong tanggapin ito
 Na may mga bagay sa mundo na nilikha lang para matuto tayo
 Marahil, kailangan ko na ring tanggapin Na
 kahit ikaw mismo ay sumuko at napagod na rin
 Sumuko na sa laban
 Napagod nang labanan ang lahat ng hadlang sa ating pagmamahalan

Audio Features

Song Details

Duration
02:27
Tempo
77 BPM

Share

More Songs by Various Artists

Albums by Various Artists

Similar Songs