Exercise Boogie

2 views

Lyrics

EXERCISE BOOGIE
 Yoyoy Villame
 Isa, dalawa, tatlo, apat
 Tayo ay lumundag
 Lima, anim, pito, walo
 Tayo ay lumukso
 Kayong lahat natutulog gumising na kayo
 Halika na't mag exercise tayo
 Halika ka na Baby
 Tayo'y mag rock 'n roll
 Pag exercise natin ang mga masols
 Huwag ka sanang magtatamad tamaran lundagin mo Baby ang
 ating bakuran ng gumanda ang katawan at lumiit ang iyong tiyan
 Gumising ka baby ng maaga
 Lumabas ka agad takbo sa kalsada
 Lumundag ka baby
 Lumundag ka baby
 Tumambling ka baby
 Tumambling ka
 Yan ang magandang pang exercise sa tuwing umaga
 Kahit nasa gabi pag hilig ka sa night
 club pwede kang mag disco ng palundag-lundag
 Sumayaw ka baby ng boogie at cha-cha
 Upang pag pawisan ang iyong paa
 Yan ang magandang exercise ng wag kang tumanda
 Everybody go!
 Exercise tayong lahat! Exercise boogie!
 Tara! Mga lolo mga lola
 Mga payat, mga taba
 Mga malalaking tiyan
 Hala sumunod kayo sa akin
 Mga bata! Exercise tayong lahat!
 Isa, dalawa, tatlo, apat
 Tarzan ay lumundag
 Lima, anim, pito, walo
 Cheetah ay lumukso
 Si Asyong Aksaya ay lumangoy sa dagat
 Kasama ni Charlie Balakubak sa may Roxas Boulevard
 hanggang Baclaran mga bata't, matatanda'y nagsisitakbohan
 Sila'y masasayang, nag jojogingan,
 magpa tumbling tumbling pa kung minsan
 masasaya pa rin sila kahit na humihingal
 Nag exercise lahat mga matataba doon sa may Luneta aking makikita
 Kahit ang may pilay o may pigsa kasama rin doon pati ang may hika
 Silang lahat panay ng exercise na masisigla
 Doon sa aming bukid
 Ang lola at lolo
 Madaling araw ay nakikinig na ng radio
 Sila'y nag exercise ng alas singko
 Dala-dalang transistor pag nag araro
 Pati ang hakbang ng kanyang kalabaw ay tumi tiyempo
 Pati ang mga fishermen
 Pag nangingisda may dala-dalang transistor sa kanilang bangka
 Sila'y nakikinig na masasaya
 Hangang nanghuhuli sila ng isda
 Sumasabay sa pagkimbot pati ang kanilang bangka
 Sumasabay sa pagkimbot pati ang kanilang bangka
 Kaya dapat mag exercise ang buong madla!

Audio Features

Song Details

Duration
02:38
Key
8
Tempo
96 BPM

Share

More Songs by Yoyoy Villame

Albums by Yoyoy Villame

Similar Songs