Nasalisihan

3 views

Lyrics

Noong ako ay paalis at iyong inihatid doon sa airport
 Pinabaunan mo ako ng malamig na halik, oh, napakalungkot
 Hindi ako nakatiis, lumuha na lang ako at tumalikod
 'Pagkat aking naramdaman, pag-ibig ko sa iyo'y sinusulot
 Nang ako'y sumakay na sa eroplanong kay ganda, ika'y tuwang-tuwa
 'Pagkat masusunod mo na, ang lahat ng layaw mo'y malayang magagawa
 Sa may bintana ng airplane, bumababay ka sa akin, ay aking nakita
 Na kaakbay-akbay mo na ang iyong bagong sinisinta
 Lumuha, ako'y lumuha
 'Pagkat wala na akong magagawa
 Lumuha, ako'y lumuha
 'Pagkat wala na akong magagawa
 Nang ako'y naroon na sa destino kong bansa, pag-asa'y nagdilim
 Nang bigla kong natanggap ang sulat ng ating anak na panganay natin
 At ang sabi niya, "Itay, madalas kami ngayong 'di kumakain
 'Pagkat ang nanay ko, Itay, ay hindi na umuuwi sa atin"
 Lumuha, ako'y lumuha
 'Pagkat wala na akong magagawa
 Lumuha, ako'y lumuha
 'Pagkat wala na akong magagawa
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:53
Key
3
Tempo
91 BPM

Share

More Songs by Yoyoy Villame

Albums by Yoyoy Villame

Similar Songs