The Bible

2 views

Lyrics

Ginawa ng Panginoon ang langit at lupa
 Mga hangin, dagat, ilog at mga sapa
 Mga kahoy, halaman, at damong sariwa
 Sari-saring hayop at ibon na maging alaga
 Sa pangpitong araw, nang Siya'y namahinga
 Kay ganda ng mundo na Kanyang nakita
 Ngunit kailangang may taong mangasiwa
 Kaya Niya nilalang si Adan at Eba
 Si Adan at Eba'y masayang nagsasama
 Sa mundong paraiso'y sila lang dalawa
 Ngunit 'di naglaon, sila'y nagkasala
 Kinain ang mansanas na ipinagbawal sa kanila
 Na ipinagbawal sa kanila
 At d'yan nagsimula ang kaparusahan
 D'yan nagsimula ang kaparusahan
 Tinaboy ng Panginoon si Eba at Adan
 At binigyan ng damdaming may takot at kahihiyan
 Binigyan ng damdaming may takot at kahihiyan
 Sila'y namumuhay sa mundo ng kahirapan
 Sila'y nagkaanak ng dalawang lalaki
 Nag-asawa si Cain at hanggang dumami
 'Yan ang tanong kung saan siya kumuha ng babae
 Ang tanging Bibliya lamang ang makapagsasabi
 Mga lahi ni Cain, may masasamang klase
 Magnanakaw, tulisan, bombastar at mang-aapi
 Nagalit ang Panginoon sa ubod ng dumi
 Nilubog ang mundo, ang tinira ay si Noe
 Si Noe at ang kanyang angkan ay mababait
 Sila'y maka-Diyos kaya niligtas ng langit
 Ang bilin ng Panginoon, sila'y magpakabait
 Ang paglubog ng mundo'y 'di na mauulit
 Ay 'di na mauulit
 At dumating si Kristo't tayo'y tinubos Niya
 Dumating si Kristo't tayo'y tinubos Niya
 Nang tayo'y mailigtas sa pagkakasala
 At itinuro sa 'tin ang lahat ng landas Niya
 Nang dahil sa atin, sa krus ay namatay siya
 At Siya'ng tumanggap sa lahat ng parusa
 Kaya dapat na nating iwasan
 Ang pagmamataas na sa ating daigdigan
 Tayo'y magpakumbaba at magbigayan
 At sa isa't isa, tayo'y magmahalan
 Sa isa't isa, tayo'y magmahalan
 

Audio Features

Song Details

Duration
02:49
Key
5
Tempo
123 BPM

Share

More Songs by Yoyoy Villame

Albums by Yoyoy Villame

Similar Songs