Liwanag

6 views

Lyrics

Sa dilim gumagapang
 Lubog ka sa lusak
 Di mo maintindihan
 Bakit ganito?
 Ito ba'y parusa sa'kin ng mundo
 Kung saan napupunta ika'y nalulong
 Kumapit ka sa tama at magising sa katotohanan
 Iisa lang ang buhay gamitin mo ng husay
 Huwag kumubli sa kadiliman
 Hanapin mong muli ang liwanag
 Sangkaterbang utang na 'di mabayad-bayaran
 Upos ng sigarilyo na ang iyong katawan
 Wasak na tahanan ang dulot sa kanila
 Umayos ka
 Kumapit ka sa tama at magising sa katotohanan
 Iisa lang ang buhay gamitin mo ng husay
 Huwag kumubli sa kadiliman
 Hanapin mong muli ang liwanag
 Di na muling luluha pa
 Paniwalaan ang pangako niya
 Ika'y magbalik at magising sa katotohanan
 Iisa lang ang buhay gamitin mo ng husay
 Huwag kumubli sa kadiliman
 Hanapin mong muli ang liwanag
 Magising sa katotohanan
 Iisa lang ang buhay gamitin mo ng husay
 Huwag kumubli sa kadiliman
 Hanapin mong muli ang liwanag

Audio Features

Song Details

Duration
04:09
Key
3
Tempo
80 BPM

Share

More Songs by Aicelle Santos

Albums by Aicelle Santos

Similar Songs