Kahit Bata Pa Ako

1 views

Lyrics

Madd World
 Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako)
 Alam kong minamahal kita (minamahal kita)
 Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro
 May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako
 Ano ba 'tong nararamdaman? Bakit gan'to?
 Sa t'wing nakikita kita, ako'y napapahinto
 Ako'y natataranta at kinakabahan
 Sa tuwing dadaan ka sa aking harapan
 'Di ko maintindihan kaya't lumapit sa 'yo
 At no'ng una kang makausap, ninerbiyos ako
 At nawala na lang bigla ang aking kaba
 Nang may nakita 'kong ngiti sa 'yong maamong mukha
 Nakipagkilala ka't inabot ang 'yong kamay
 Hanggang sa pag-uwi, tayo ang magkasabay
 Masayang nagkukulitan habang nagkukuwentuhan
 At kahit kailan, hindi ko 'to malilimutan
 Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako)
 Alam kong minamahal kita (minamahal kita)
 Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro
 May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako
 At magmula no'n, napalapit na 'ko sa iyo
 Masaya 'ko sa t'wing magkasama tayo
 Sa t'wing papasok sa eskuwela hanggang sa pag-uwi
 At 'pag nag-lunch break na, tayo'ng magkatabi
 Ikaw ang tumutulong sa mga homework ko
 At pagkatapos, sabay tayong naglalaro
 Ng PS2 at ng Ragnarok sa PC
 Nanonood ng gusto kong cartoons sa TV
 Na Slam Dunk o ng Dragon Ball Z
 Nand'yan s'ya 'pag napagalitan ni Daddy
 'Di umaalis, she'll never leave me alone
 Sino'ng 'di maaaliw sa mga text sa phone, 'di ba?
 Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako)
 Alam kong minamahal kita (minamahal kita)
 Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro
 May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako
 At para bang biglang nagunaw ang aking mundo
 Nang mabasa ko ang liham na 'pinaabot mo
 Na kailangan mong lumisan at mang-ibang bayan
 Kaya't sa akin, ikaw ay nagpaalam
 At 'di ko alam kung babalik ka
 Kaya't para 'kong halaman na biglang nalanta
 Na nawalan ng sigla, unti-unting tumumba
 Inaasahang makakasama ka hanggang pagtanda
 Pero kahit na mahirap 'to, kailangan tanggapin
 Kahit masakit 'to, kailangan tiisin
 Kailangan 'tong gawin para 'yong marating
 Ang mga pangarap mo, kailangan mong abutin
 At sana balang araw, makita kang muli
 At sana balang araw, makasama kang muli
 Tandaan lang, kahit saan ka magpunta
 Na kahit bata lang ako, mahal na kita
 Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako)
 Alam kong minamahal kita (minamahal kita)
 Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro
 May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako
 Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako)
 Alam kong minamahal kita (minamahal kita)
 Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro
 May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:59
Key
8
Tempo
91 BPM

Share

More Songs by Aikee

Similar Songs