Isang Buong Araw Kasama Ka
1
views
Lyrics
Magandang umaga sa iyo, mahal Pasensiya na't ginising ka upang mag-almusal Sinalin na ang gatas, may nilutong sinangag At paborito mong tuyo, itinambal ko sa puso kong umiibig sa iyo Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh Pagkatapos mong kumain, halika't mamasyal Sa lawa kung saan tayo'y nagpapalitan ng pangarap sa isa't isa Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh Ito ang dalangin ko, ang mabuhay kasama mo Walang yaman ang makakatapat sa ligayang dulot mo sa puso ko Sa puso ko Lumipas na ang oras, tara na't umuwi Ayaw kong malipasan ka kaya ako'y nagmamadali Anong ulam ang nais mo? (Nais mo) malugod kong didinggin (didinggin) Ayaw ko ang mapagod ka (mapagod ka), gusto ko'y ikaw ang reyna sa ating mundo Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh Ito ang dalangin ko, ang mabuhay kasama mo Walang yaman ang makakatapat sa ligayang dulot mo sa puso ko Sa puso ko Wala nang iba, wala nang iba ♪ Ito ang dalangin ko, ang mabuhay kasama mo Walang yaman ang makakatapat sa ligayang dulot mo sa puso ko Sa puso ko Ulitin man ang panahon, ikaw pa rin ang pipiliin ko Lumabo man ang paningin, ikaw lang ang nag-iisang malinaw sa akin
Audio Features
Song Details
- Duration
- 05:15
- Key
- 4
- Tempo
- 98 BPM