Takusa

1 views

Lyrics

Ayan ka na naman, hay, naku, naman
 Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
 Hindi naman ako gagawa ng masama kung nand'yan ka
 Pero kung wala, siguro nga
 Ako'y takot sa 'king asawa
 Ang tawag sa 'min ay takusa
 Ako'y takot sa 'king asawa
 Ang tawag sa 'min ay takusa, whoa
 Ako'y takot sa 'king asawa (whoa), bigla kong naalala (yeah)
 Muntik na 'kong mahuli kaya dala na (whoa)
 'Wag kang mag-alala kasi walang iba na (yeah)
 Makakatalo ng ugali mo, wala pa
 At kahit na siguro mas maganda pa s'ya
 'Di pa rin matutukso kasi panalo ka na
 'Wag ka nang tamang hinala ('wag ka nang tamang hinala)
 Sa pagkuda mo, 'ko'y sawa na (sa pagkuda mo, 'ko'y sawa na)
 Kaya kahit paulit-ulit ka sa akin nagagalit
 'Di pa rin ako susuko kahit ganyan ang ugali
 Isa lang naman aking hiling, sana'y bigyan mo ng pansin
 'Di mo na kailangang mag-isip, sa 'yo lang naman ako titingin
 Ayan ka na naman, hay, naku, naman
 Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
 Hindi naman ako gagawa ng masama kung nand'yan ka
 Pero kung wala, siguro nga
 Ako'y takot sa 'king asawa
 Ang tawag sa 'min ay takusa
 Ako'y takot sa 'king asawa
 Ang tawag sa 'min ay takusa, whoa
 Bakit lagi kang namimintang?
 'Kala mo lagi ka na lang kasing nililinlang
 Ikaw lang naman 'yong love, kaya 'wag overreact
 Hindi ko nga kilala 'yong hinuli mo on act
 Tanggap ko naman kasi kung madada ka (madada ka)
 Kaya nga mas pinili kang mapangasawa (mapangasawa)
 Kilala mo naman 'yong lagi kong kasama
 Baka parehas lang kasi kami ng kama
 Kaya 'yan nand'yan (hey), buti na lang, ikaw 'yong nakakita
 Malabo na rin kasi 'yong mata ko, pambihira
 'Wag nang init ng ulo 'yong unahin mo d'yan
 Isipin mo na buti na lang, hindi ako nasaktan ('di ba?)
 Hindi ka naman kasi magagawang lokohin
 Alam ko naman kasi na mas lalaki ka pa sa 'kin (oh)
 Tama na 'yong hinala, 'di ko naman 'yon gagawin
 Nag-asawa ka ng pogi, eh, alam mong habulin
 Ayan ka na naman, hay, naku, naman
 Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
 Hindi naman ako gagawa ng masama kung nand'yan ka
 Pero kung wala, siguro nga
 Ako'y takot sa 'king asawa
 Ang tawag sa 'min ay takusa
 Ako'y takot sa 'king asawa
 Ang tawag sa 'min ay takusa, whoa
 Nag-iba ang nakasanayan sa dapat na gawin
 Wala naman kasi akong iba na gagalawin
 Bahala ka na kung ano man ang isipin mo
 Magkakasama lang kami, ano'ng 'lilihim ko?
 Binibigay naman agad sa 'yo lahat ng money ko
 Mahal pa rin naman kahit na medyo malikot
 Mga binibintang mo ay walang kinalaman
 Sa 'yo pa rin ako kahit mag-eenie, miney, mo
 Wala pang nangyayari, puro ka na lang hinala
 Hindi pa nadadale, ni hindi pa nga kilala
 'Kala mo palagi, may ginagawa na mahiwaga
 Wala sigurong masama kung ika'y magtiwala
 Panay na lang mali ang 'yong napapansin
 Behave naman ako kahit pa sa'n mo dalhin
 Kung may nakita kang iba, hindi ko naman 'yon kasama
 Ayan ka na naman sa 'di namamansin, yuh
 Ayan ka na naman, hay, naku, naman
 Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
 Hindi naman ako gagawa ng masama kung nand'yan ka
 Pero kung wala, siguro nga
 Ako'y takot sa 'king asawa
 Ang tawag sa 'min ay takusa
 Ako'y takot sa 'king asawa
 Ang tawag sa 'min ay takusa, whoa
 Bawat kilos ko'y mali sa 'yo, oh
 Pinag-iisipan mo 'ko
 Ng masama palagi, may ibang babae
 Kahit sa 'kin lagi kang nakabuntot, oh, baby
 Mga galaw ko ay nakabisa mo na
 Kulang na lang na hilingin kong tama na, tama na, tama na
 Parang awa mo na, 'di mo ba madama
 Na ako'y takot na takot na mawala ka?
 Ayan ka na naman, hay, naku, naman
 Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
 Hindi naman ako gagawa ng masama kung nand'yan ka
 Pero kung wala, siguro nga
 Ako'y takot sa 'king asawa (asawa)
 Ang tawag sa 'min ay takusa (takusa)
 Ako'y takot sa 'king asawa (asawa)
 Ang tawag sa 'min ay takusa, whoa, oh-whoa (ooh)
 ALLMO$T music
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:34
Key
10
Tempo
95 BPM

Share

More Songs by ALLMO$T

Similar Songs