Kapit (From "Alone / Together")

5 views

Lyrics

Sa gabing kay dilim
 Hinahanap ko ang kahulugan
 Ng mga panahong lumipas lang
 Nang walang pasintabi, ako ay iniwan
 Mga matang noon ay may kislap pa
 Ngayon ay mugtung-mugto, sanay sa luha
 Sadyang gan'to nga ba ang buhay dito sa lupa?
 Kaya higpitan ko ang kapit
 Sa mga kamay ng oras nang 'di 'to lumipas lang
 Sana ay aking sinulit ang panahon
 Na tayo'y mga bata pa
 Ilang araw na rin na tuloy-tuloy lang ang habulan
 Hindi mawari kung ito ba ay malalagpasan
 Pilit sa putik aking pupulutin nang isa-isa
 Mga pangarap kong nabasag tila bubog sa paa
 Ang bahaghari ba'y nagpapakita lang talaga?
 Kaya higpitan ko ang yakap sa 'yo
 Alam ko na hindi 'to magtatagal
 Sana ako'y maalala mo na ganito
 Higpitan ko ang kapit
 Sa mga kamay ng oras nang 'di na maiwan pa
 Nais ko lang ang masilip ang nakaraan
 Oh, higpitan ko ang kapit sa Diyos
 Maliwanag na rin, eto na't parating
 Matatapos ang lahat ng pagsubok na 'to
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:02
Key
1
Tempo
88 BPM

Share

More Songs by Armi Millare

Similar Songs