Tabing Ilog
7
views
Lyrics
Sa ilog, ang mundo'y tahimik Ako'y nakikinig sa awit ng hangin Habang kayo'y hinihintay Na sana'y dumating bago magdilim Sa t'wina'y kandungan niyo ang duyan Panaginip na walang katapusan Ang ilog, hantungan niya'y pangako Ng inyong pagbabalik Ngiting kasama ng hangin Luhang daloy ng tubig Sa ilog na 'di naglilihim ♪ Sa ilog, ang mundo'y may himig 'Di sana magpalit ang awit ng hangin Habang kayo'y hinihintay Mata'y may ngiti, puso'y nananabik Sa t'wina'y kandungan niyo ang duyan Panaginip na walang katapusan Ang ilog, hantungan niya'y pangako Ng inyong pagbabalik Ngiting kasama ng hangin Luhang daloy ng tubig Sa ilog na 'di naglilihim Ha... Sa ilog Ha...
Audio Features
Song Details
- Duration
- 03:15
- Key
- 4
- Tempo
- 169 BPM