Atras Abante

3 views

Lyrics

Imulat ang mata, 'wag aanga-anga
 Kapag tayo'y tumatawid sa kalsada
 Stop light ang tingin, dilaw, pula at green
 Ang kulay ng ilaw na ating makikita
 Hindi ka pwedeng tumawid d'yan lang nang basta-basta
 Dapat 'listo ka, baka ikaw ay madisgrasya
 Lingon sa kaliwa, pati sa kanan mong kalsada
 Bago dumiretso, mag-esep esep ka, aha ha (aha ha)
 Atras, abante, relax ka muna, pare
 Bago ka bumiyahe, magtawas ka ng kili-kili
 Atras, abante, mata'y lagi sa kalye
 Diretso ang tingin at hindi sa mga seksi
 Atras, abante, buhul-buhol na kotse
 Iba't iba ang ruta, tunog ng radyo'y iisa
 Atras, abante, mga tsuper sa kalye
 Libangan lang ay radyo, nakikinig ng otso-otso
 Otso-otso pa
 Kapag naglalakad, bawal nakahubad
 'Wag kang magkakalat ang sabi ni Bayani (hindi ako 'yun)
 Kapag nakasakay, ibaba ang kamay
 Baka kasi nangangamoy ang kili-kili (yuckie)
 Hindi po dapat magtinda sa mga bangketa
 Kasi nahihirapan ang mga motorista
 Nagsisikip ang kalye, pasaherong nagdurusa
 Imbis na mapaaga, ginagabi ka na, aha ha (aha ha)
 Atras, abante, relax ka muna, pare
 Bago ka bumiyahe, magtawas ka ng kili-kili
 Atras, abante, mata'y lagi sa kalye
 Diretso ang tingin at hindi sa mga seksi
 Atras, abante, buhul-buhol na kotse
 Iba't iba ang ruta, tunog ng radyo'y iisa
 Atras, abante, mga tsuper sa kalye
 Libangan lang ay radyo, nakikinig ng otso-otso
 Otso-otso pa
 Atras, abante, buhul-buhol na kotse
 Iba't iba ang ruta, tunog ng radyo'y iisa
 Atras, abante, mga tsuper sa kalye
 Libangan lang ay radyo, nakikinig ng otso-otso
 Nakikinig ng otso-otso
 Atras, atras, aba-abante
 Atras, atras, aba-abante
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:03
Key
7
Tempo
135 BPM

Share

More Songs by Bayani Agbayani

Similar Songs