Kathang Isip

3 views

Lyrics

'Di ba nga ito ang 'yong gusto?
 Oh, ito'y lilisan na ako
 Mga alaala'y ibabaon
 Kalakip ang tamis ng kahapon
 Mga gabing 'di namamalayang oras ay lumilipad
 Mga sandaling lumalayag kung sa'n man tayo mapadpad
 Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay
 Ito'y maling akala, isang malaking sablay
 Pasensiya ka na sa mga kathang-isip kong ito
 Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
 Ako'y gigising na sa panaginip kong ito
 At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa -
 ♪
 Kung ga'no kabilis nagsimula
 Gano'n katulin nawala
 Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
 Upang 'di na umasa'ng pusong nag-iisa?
 Pasensiya ka na sa mga kathang-isip kong ito
 Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
 Ako'y gigising na sa panaginip kong ito
 At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa -
 Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
 Na minsan siya'y para sa iyo, pero minsan siya'y paasa
 Tatakbo papalayo, kakalimutan ang lahat, ooh
 Ooh, ooh
 Pero kahit sa'n man lumingon
 Nasusulyapan ang kahapon
 At sa aking bawat paghinga
 Ikaw ang nasa isip ko, sinta
 Kaya't pasensiya ka na sa mga kathang-isip kong ito
 Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
 Ako'y gigising na mula sa panaginip kong ito
 At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa -
 'Di ba nga ito ang 'yong gusto?
 Oh, ito'y lilisan na ako
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:18
Tempo
127 BPM

Share

More Songs by Ben&Ben

Similar Songs