Papuri Sa Diyos

3 views

Lyrics

PAPURI SA DIYOS
 Papuri sa Diyos sa kaitaasan
 At sa lupa'y kapayapaan
 Sa mga taong kinalulugdan N'ya
 Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
 Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
 Pinasasalamatan Ka namin
 Dahil sa dakila Mong angking kapurihan
 Panginoong Diyos hari ng langit
 Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
 Panginoong Hesukristo, bugtong na anak
 Panginoong Diyos Kordero ng Diyos
 Anak ng Ama
 Papuri sa Diyos Papuri sa Diyos sa kaitaasan
 Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
 Maawa Ka sa amin
 lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
 Tanggapin Mo ang aming kahilingan
 Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama maawa Ka sa amin
 Papuri sa Diyos sa kaitaasan
 Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataastaasan
 Ikaw lamang O Hesukristo ang Panginoon
 Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen
 Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Audio Features

Song Details

Duration
04:22
Tempo
125 BPM

Share

More Songs by Bukas Palad Music Ministry

Similar Songs