Magkaibigan O Magka-Ibigan

1 views

Lyrics

Saan nga ba tayo nagsimula?
 Magkaibigan, nagkakatuwaan
 Dinadaan lahat sa tukso
 Damdamin ay nilalabanan
 Tinitiis ang bawat pagsubok
 Hirap pigilan ang ngiti
 Kahit naiinis, 'di ko matiis
 Hirap magkunwaring galit
 'Di ko na mapilit
 Eh, alam ko na alam mo kung ano'ng nasa isipan ko
 At alam mo na alam ko kung ano'ng nasa puso mo
 Eh, bakit pa ba tayo malilito at mawawala?
 Kung iisa lang naman ang pupuntahan
 Saan nga ba tayo papunta?
 Magkaibigan o magka-ibigan?
 Ano nga ba talaga sa dalawa?
 Komportable sa tuwing magkasama
 Nalilito kung mali ito o tama
 Takot na magmahal muli
 Baka masakit, hirap mag-isip
 Takot na mawala ang lahat
 Parehong nag-aalangan magsalita
 Eh, alam ko na alam mo kung ano'ng nasa isipan ko
 At alam mo na alam ko kung ano'ng nasa puso mo
 Eh, bakit pa ba tayo malilito at mawawala?
 Kung iisa lang naman ang pupuntahan
 ♪
 Eh, alam ko na alam mo
 Eh, alam mo na alam ko
 Eh, bakit pa ba tayo malilito at mawawala?
 Kung iisa lang naman ang pupuntahan
 Pareho natin alam
 Isa 'yan sa dalawa
 Magkaibigan o magka-ibigan?
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:50
Key
9
Tempo
112 BPM

Share

More Songs by Coeli

Similar Songs