Mas Mahal Na Kita Ngayon - From "Ala-Ala"

1 views

Lyrics

Hmm, woah...
 Mas mahal na kita ngayon
 Higit pa kaysa noon
 Mas mahal na kita ngayon
 At sa habang panahon
 Wala akong pakialam sa 'king nakaraan
 Kahit na ako'y pinagtatawanan
 Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon, dahil
 'Di mo na 'ko tinutulak sa 'ting hagdanan
 'Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam
 At sa gabi, 'pag ako'y tulog nang mahimbing
 'Di mo na ako tinatakpan ng unan
 'Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan
 'Di mo na 'ko sinisipa sa 'king harapan
 Mas makinis na rin ang balat sa dibdib
 Dahil hinding-hindi mo na 'ko pinakukulam
 Ang hapdi at kirot na sinapit ko noon
 'Di ko na ramdam 'pagkat mas mahal na kita ngayon
 ♪
 Mas mahal na kita ngayon
 'Wag ka nang magtatanong
 Basta't mahal na kita ngayon
 'Yan ang lagi kong tugon
 Kahit 'di mo nakikita o nararamdaman
 Ang aking tuwa ay walang paglagyan
 Ang alam ko lang, mas mahal na kita ngayon, dahil
 'Di mo na pinapakain ng para sa pusa
 'Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa
 At 'pag sinabi mo sa 'king damit ko'y maganda
 'Di na masyadong malakas ang iyong tawa
 'Di mo na 'ko pinasisinghot ng paminta
 'Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga
 Hindi na kulay dugo ang aking paningin
 Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata
 Ang hapdi at kirot na sinapit ko noon (hapdi at kirot na sinapit ko noon)
 'Di ko na ramdam 'pagkat mas mahal na kita ngayon
 ♪
 Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon, dahil
 'Di mo na kinekuwentong satanista ako
 At ang nanay ko'y ni-rape ng isang maligno
 Nabawasan na rin ang bukol sa ulo
 Dahil hindi mo na 'ko pinapalo ng tubo
 'Di mo na pinapalayas nang nakahubo
 'Di mo na pinapaligo ng bagong kulo
 Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo
 Dahil hindi mo na dino-donate ang aking dugo
 Ang hapdi at kirot na sinapit ko noon (hapdi at kirot na sinapit ko noon)
 'Di ko na ramdam 'pagkat mas mahal na kita ngayon
 Kahit nasa'n ka man, mas mahal na kita ngayon (mas mahal na kita ngayon)
 Ang cute mo naman, bagay ka sa iyong...
 Ataul
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:29
Key
5
Tempo
132 BPM

Share

More Songs by Dagtang Lason'

Similar Songs