Huwag Siya

8 views

Lyrics

Huwag s'ya
 Huwag s'ya
 Huwag s'ya
 Huwag s'ya
 Kapag umiiyak s'ya, agad nand'yan ako
 'Di mo na kasi mache-check ang cellphone mo
 Dahil ang tulad mo ay mas pipiliing maglaro ng kung ano-ano
 Alam ko ang gusto ng isang babae
 Do'n pa lang, wala ka na sa aking masasabi
 Mas kaya ko s'yang alagaan kaysa sa 'yo
 Tulad 'pag kailangan n'ya ng pads, may extra ako
 Sige, and'yan nga si Donna kapag iiyak ka
 'Pag kay Shehyee ka, hindi ka na iiyak pa (hmm-mmm)
 Kaya kung ako sa 'yo, sumama ka sa akin
 Lumuha ka man, 'yun ay tears of joy na kung tawagin (ay, sus)
 Okay ang babae pero darating ang araw
 Sasakit ang ulo mo lalo 'pag pareho kayong may dalaw (excuse me?)
 Eh, 'di giyera, 'di ba, parehas lang kayong kawawa?
 Kaya sa 'kin ka na lang kasi pasensiya ko'y mahaba (ah, okay)
 Pag-isipan mong mabuti lahat
 Ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat
 Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
 Ako ang tunay na nababagay sa 'yo kaya
 Huwag s'ya, huwag s'ya, 'di ko alam
 Kung ba't nasali pa s'ya sa pagpipilian (huwag s'ya)
 Lahat ng kaya ko, hindi n'ya kayang punan (huwag s'ya)
 Iiwanan ka lang n'ya nang luhaan
 Huwag kang maniwala sa iba, maniwala ka sa akin
 Magkakaroon lang ako ng ibang babae 'pag girl ang baby natin (ows?)
 Pati sa sinasabi nilang ika'y iiwan?
 Hindi, matigas ang aking paninindigan (yuck)
 Kaya, please lang, ako ang mas bagay sa kanya
 Lalaki 'ko, babae s'ya, mas bagay talaga (oo naman)
 Kaya kung ako sa 'yo, sumuko ka na
 Bahala ka, baka mapasubo ka pa (hmm)
 Mas gusto ako ng parents n'ya
 Dahil ang mukha mo daw kasi, 'di katiwa-tiwala
 At saka books before boys because boys bring babies (mmm-hmm)
 Kaya for now, I'm the best choice for the ladies (that's right)
 Type ko din ang mga damit na gusto n'ya
 Kaya tuwing magsha-shopping, natutulungan ko pa s'ya
 Hindi katulad mo, boy, manahimik ka d'yan
 Mga pambobola mo na bulok, itapon na 'yan
 Pag-isipan mong mabuti lahat
 Ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat
 Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
 Ako ang tunay na nababagay sa 'yo kaya
 Huwag s'ya, huwag s'ya, 'di ko alam
 Kung ba't nasali pa s'ya sa pagpipilian (huwag s'ya)
 Lahat ng kaya ko, hindi n'ya kayang punan (huwag s'ya)
 Iiwanan ka lang n'ya nang luhaan
 If I were you, I'd choose me
 'Cause I'm for you ('di naman), obviously
 Pareho tayo ng interes sa buhay, yes
 Goodbye ka na sa lahat ng stress na nakakaumay
 (Pero, 'di ba?) Shut up, please, oh, that's another reason
 When you talk, I won't cut you 'cause I know how to listen
 At saka, isa pa (Donna, time)
 May sasabihin pa ako (hayaan na natin s'yang maghusga)
 Oh, sige, itigil na natin 'to
 Iiwanan na namin ang desisyon sa 'yo (dapat lang)
 'Pag pinili mo s'ya at nagkamali ka, huwag kang magtataka
 Kung ang maririnig mo sa 'kin "I told you so, nakinig ka ba?"
 'Di ako paulit-ulit mangangako, sinta (weh?)
 Dahil hindi ako 'yung tipong puro lamang salita (ows?)
 'Pag sa akin ka umoo, saka ko sa 'yo ipapakita
 Tunay na ibig sabihin ng "Mahal kita" (I love you) (joke lang 'yan)
 Pag-isipan mong mabuti lahat
 Ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat
 Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
 Ako ang tunay na nababagay sa 'yo kaya
 Huwag s'ya, huwag s'ya, 'di ko alam (huwag s'ya)
 Kung ba't nasali pa s'ya sa pagpipilian (huwag s'ya)
 Lahat ng kaya ko, hindi n'ya kayang punan (huwag s'ya)
 Iiwanan ka lang n'ya nang luhaan (huwag s'ya, huwag s'ya, huwag s'ya)
 Pag-isipan mong mabuti lahat
 Ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat
 Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
 Ako ang tunay na nababagay sa 'yo kaya
 Huwag s'ya, huwag s'ya, 'di ko alam (huwag s'ya)
 Kung ba't nasali pa s'ya sa pagpipilian (huwag s'ya)
 Lahat ng kaya ko, hindi n'ya kayang punan (huwag s'ya)
 Iiwanan ka lang n'ya nang luhaan
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:14
Key
6
Tempo
81 BPM

Share

More Songs by Donnalyn Bartolome'

Similar Songs