Mahal Kita Kahit... (feat. Grin Department)

2 views

Lyrics

Nung una kang maka-bonding
 Parang normal lang, wala namang dahilan
 'Di ako mafa-fall sa'yo
 Kasi nga 'diba tropa tayo
 Pinigilan ko ang sarili
 Kasi nga baka masayang lang
 Ang pinagsamahan natin ng ilang taon
 Meron akong sasabihin
 Pero gusto ko 'wag kang makinig
 Isisigaw ko malapit sa inyo
 Na mahal kita kahit 'di mo alam
 Mahal kita kahit 'di mo alam
 'Tong feelings ko'y isisikreto na lang
 Bawal ang ma-inlove sa'yo
 Kasi nga may jowa ka na
 Bakit ganto aking nadarama?
 'Di ko alam kung tama ba o tama na
 Yung ulo ko siguro may tama na
 Kaya dinadaan na lamang sa kanta
 Oo, mahal kita pero mali na 'to
 'Wag kang lumapit, nahuhulog lang ako sa'yo
 'Wag kang magsalita, naaakit ako sa boses mo
 'Wag mo kong titigan nababatobalani ako
 Natotorpe, natatameme at natatahimik
 Nakakakaba, nakaka-guilty at nakakabwisit
 Nakakahibang, nakakabaliw, nakakadyahe
 Nakakainis at 'di nakakaaliw ang nangyayari
 Ano ba naman 'wag ka nang tumitig, please maawa ka
 Kakalapit mo, yung puso ko sasabog na
 Kung di lang masama mang-agaw ng may asawa
 Matagal ko nang ginawa para ikaw ay makasama
 Mahal kita kahit 'di mo alam
 'Tong feelings ko'y isisikreto na lang
 Bawal ang ma-inlove sa'yo
 Kasi nga di ba may jowa ka na
 Gusto kong ilabas pero 'di ko kayang aminin
 Ako yung tagadikta, bakit ako yung alipin
 Ng sarili kong puso pati na damdamin?
 Ang daling makaramdam pero mahirap sabihin
 Ang dali mong makita, ang hirap lumapit
 Ang daling mahulog, ang hirap kumapit
 Ang dali mong lapitan, ang hirap kasama
 Ang daling humiling, bakit ang hirap umasa?
 Ang daling sumulat, ang hirap ibigay
 Ang dali mong magtext, bakit ang hirap magreply?
 Madaling magkunwari pero ang hirap pagtakpan
 Ang daling umibig, ang hirap masaktan
 Minsan hindi ka papalarin sa guhit ng kapalaran
 Madalang ang kadalasan, bwenas ka sa kamalasan
 'Di ko naman intensyon na mahulog loob ko sa'yo
 Nagkamali lang yata ng pinana 'tong si Kupido
 Mahal kita kahit 'di mo alam
 'Tong feelings ko'y itatago na lang
 Bawal ang ma-inlove sa'yo
 Kasi nga di ba taken ka na
 Mahal kita kahit 'di mo alam
 'Tong feelings ko'y isisikreto na lang
 Bawal ang ma-inlove sa'yo
 Kasi nga di ba may jowa ka na
 Amm, sinulat ko nga pala 'tong kantang 'to
 Para kahit papano mailabas ko 'tong saloobin ko
 Kasi pag 'di ko nilabas 'to sasabog na lang 'to
 Na parang palpak na missile ng North Korea
 Pero masaya ako kasi lagi tayong magkasama
 Kahit 'di mo alam kung gaano ako ka-inlove sa'yo
 Kahit may asawa ka na, kahit kinasal ka na sa iba
 Pinapangako ko mamahalin pa rin kita
 Nandito pa rin ako, hinding-hindi kita iiwan
 Kahit magbago man ang mundo, kahit maging
 Tatsulok na parang kanta ni Bamboo
 Pangako iikot at iikot parin sayo ang mundo ko
 Kahit alam ko na masakit at mapait na parang ampalaya
 Kasi mapait talaga ang ampalaya
 Oo, am'palayain ang minamahal mo, tandaan mo
 Mahal na mahal pa rin kita
 Pedro
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:37
Key
7
Tempo
100 BPM

Share

More Songs by Flict G'

Albums by Flict G'

Similar Songs