Buntala
5
views
Lyrics
Dito sa mundong ito, bahaghari ang dahon ng mga puno Bulaklak, 'di masasamyo Ang malalanghap mo lang ay awit ng paruparong nagsusumamo Uhaw sa pagsuyo 'Di ko rin naman naisip na ito pala'y isang panaginip Walang naiinip, walang naghihintay, nasasaktan O 'di kaya'y nagbubulag-bulagan Walang kapalaran Pero di-dito tayo masaya Pero di-dito tayo nagsama Sa panandaliang kislot ng laman At nagbabagang pagsamba ♪ Gigising na't aalis, kailangan nang ubusin ang apoy sa batis Kaya bang matiis? Sayang lang at dito ay walang pumapatak at umaagos na luha Buntala'y mawawala Pero di-dito tayo masaya Pero di-dito tayo nagsama Sa panandaliang kislot ng laman At nagbabagang pagsamba ♪ Pag-ibig nga ba? Pag-ibig ba talaga O kabulastugang buntala? Buntala, buntala, buntala Buntala, buntala, buntala Pero di-dito tayo masaya Pero di-dito tayo nagsama Sa panandaliang kislot ng laman At nagbabagang pagsamba
Audio Features
Song Details
- Duration
- 03:30
- Key
- 10
- Tempo
- 104 BPM