Diploma

3 views

Lyrics

Ang pangalan ko'y Aristotle Pollisco
 Nag-aral sa Binangonan Elementary School
 Nagtapos sa mataas na paaralan ng Morong Rizal
 Nag-aral ng kolehiyo, nagtigil
 Nagpatuloy ng dalawang taon
 Ngunit hindi po ako nakatapos ng aking pag-aaral
 Mula pa nang pagkabata, ako ang siyang kinukutya
 Sa tambayan ng mayayabang na may laman ang bulsa
 Habang ang mga katulad ko'y pinipilit na makaahon
 Laging laman ng mga tawanan, kailan ba makakabangon
 Sa mga panghuhusga na kanilang mga mata?
 Pinilit kong hindi lumuha sa harapan ng iba
 At ginamit ang mga pangit at kahit 'yan ang sinapit
 Ay 'di ko mapapayagang tuluyan akong malait
 At maubusan ng lupang aking pwedeng tapakan
 Aking pwedeng lakaran, aking pwedeng tamnan
 Ang mga binhi, sa kalaunan ay aking pwedeng maani
 At aking pwedeng masabing minsan ako ay naghari
 Sa palasyo ng pangarap na aking inaasam
 Walang nakahadlang kahit na may pasan-pasan
 Sa bawat letrang sinulat, halika, ika'y sumama
 Sa kapirasong papel na tinuturing kong diploma
 Siya ay si Gloc-9, taga-Binangonan, Rizal
 Isang makatang naririnig sa kahit saang lugar
 At kahit 'di nakatapos ng pag-aaral, halika
 Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma
 Siya ay si Gloc-9, taga-Binangonan, Rizal
 Isang makatang naririnig sa kahit saang lugar
 At kahit 'di nakatapos ng pag-aaral, halika
 Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma
 Isang kapirasong papel na pinahiran ng tinta
 Parang larawang ginuhit na ginamitan ng pinta
 Ng isang pintor na inalay ang bawat araw sa buhay
 Upang ang damdami'y kanyang mailarawan ng tunay
 Kulay na ang puhunan ay laging patak ng pawis
 At ang kapalara'y nakasaad sa mukha ng bayaning inihagis
 Kara o krus, ganyan ang buhay ng mga katulad namin
 Mga salitang namulat, binuhat sagad sa damdamin
 At handang hanapin na, mang-akin na, na masabi ko na akin na
 Araw na narinig ang mga sinulat kong salita
 Musmos pa lamang ay dinadalanging
 Maranasan ang palakpakang kasabay ng hangin
 Ayokong magtunog-mayabang sa awitin na 'to
 Pero sabihin mo sa akin kung sino pa sa larangan na 'to?
 Bukod sa taga-Antipolong iniidolo ko
 Wala na sigurong sasabay sa awitin kong ito kasi
 Siya ay si Gloc-9, taga-Binangonan, Rizal
 Isang makatang naririnig sa kahit saang lugar
 At kahit 'di nakatapos ng pag-aaral, halika
 Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma
 Siya ay si Gloc-9, taga-Binangonan, Rizal
 Isang makatang naririnig sa kahit saang lugar
 At kahit 'di nakatapos ng pag-aaral, halika
 Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma
 Siya ay si Gloc-9, taga-Binangonan, Rizal
 Isang makatang naririnig sa kahit saang lugar
 At kahit 'di nakatapos ng pag-aaral, halika
 Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma
 Siya ay si Gloc-9, taga-Binangonan, Rizal
 Isang makatang naririnig sa kahit saang lugar
 At kahit 'di nakatapos ng pag-aaral, halika
 Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma
 La, la, la, la, la
 La, la, la, la, la
 La, la, la, la, la
 La, la, la, la, la
 La, la, la, la, la
 La, la, la, la, la
 La, la, la, la, la
 La-la-la-la-la
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:23
Tempo
148 BPM

Share

More Songs by Gloc 9

Albums by Gloc 9

Similar Songs