Tissue

7 views

Lyrics

Tumatakbo papalayo
 Ubos na ang pasensya ko
 Di ko alam ang gagawin
 Sa kaliwa o sa kanan
 Wala akong mapuntahan
 Nagdidilim ang paningin
 Makakayanan ko pa ba
 Kailangan kong makawala dito
 Quaker Oats sa umaga
 Minaycrowave na ensaymada
 May topping na vanilla ice cream tapos mais na nilaga
 Madaming Nidong champorado, paborito na adobo
 Boneless na bangus na daing
 Hot pandesal na merong maling
 Makakayanan ko pa ba
 Kailangan kong makawala dito
 Tumatayo ang balahibo
 Pinapawisan ang mga balat ko
 Medyo mainit ang ulo
 Bumibilis ang paglakad ko
 Parang ang lamig ng hangin, wag mong itapat sa akin
 Kulang na lang ay manalangin sana wag ako'ng abutin
 Makakayanan ko pa ba
 Kailangan kong makawala dito
 Humihilab ang aking tiyan wala akong matakbuhan
 Ang taas pa ng hagdan kailangan ko ng banyo
 Wag na wag kang lalabas parang nilugaw na bigas
 Ibang klase ang antas pag ikaw ang naalingasaw
 Pag libre ay medyo mabaho pahiram naman po ng tabo
 Sana di maraming tao, baka kasi mahalata mo
 Sana may maayos na puwesto mahirap na ang mabisto
 Tatlo, lima o sampung piso depende to sa gagawin mo
 Makakayanan ko pa ba
 Kailangan kong makawala dito
 Tumatakbo papalayo
 Ubos na ang pasensya ko
 Di ko alam ang gagawin
 Sa kaliwa o sa kanan
 Wala akong mapuntahan
 Nagdidilim ang paningin
 Makakayanan ko pa ba
 Kailangan kong makawala dito
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:12
Key
9
Tempo
100 BPM

Share

More Songs by Gloc 9

Albums by Gloc 9

Similar Songs