Bakit Ganyan Ka?

5 views

Lyrics

Bakit ganyan ka? Pinapakilig mo na naman ako
 'Di mo ba nahahalata ang mga ngiting 'di ko maitago
 Kulang na lang ay matunaw kang parang isang yelo
 'Di ka mawalay sa aking mga titig na nakakapaso, oh
 ♪
 Bakit ganyan ka? 'Di nakakasawang kasama maghapon
 Kung ano-ano na ang napag-uusapan pero 'di napapagod
 Sarap ng kwentuhan, nagkaintindihan, sagot sa mga tanong
 Akala ko pa ay imposibleng ikaw ay totoo
 Ano ba ang mayro'n sa 'yo, oh?
 Mayro'n sa 'yo, oh, mayro'n sa 'yo, oh?
 Ano ba ang mayro'n sa 'yo, oh, mayro'n sa 'yo?
 Kahit ang langit ay nakikiawit sa ating sariling himig
 Kulang ang bakit sa dami ng aking tanong, laging iniisip
 Kung bakit ka ganyan? (Bakit ka ganyan?)
 Kung bakit ka ganyan?
 Bakit ganyan ka? 'Di ko na yata kakayanin ang agos
 Kasama sa hirap at ginhawa, mga salitang tapos
 Masama bang magtanong sa Maykapal kung bakit tayo nagtagpo?
 Ano ba ang mayro'n sa 'yo, oh, mayro'n sa 'yo?
 Kahit ang langit ay nakikiawit sa ating sariling himig
 Kulang ang bakit sa dami ng aking tanong, laging iniisip
 Kung bakit ka ganyan? (Bakit ka ganyan?)
 Kung bakit ka ganyan?
 Bakit ganyan ka? (Bakit ka ganyan?)
 Bakit ganyan ka? (Bakit ka ganyan?)
 Bakit ganyan ka? (Bakit ka ganyan?)
 Bakit ka ganyan?
 Kahit ang langit ay nakikiawit sa ating sariling himig
 Kulang ang bakit sa dami ng aking tanong, laging iniisip
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:25
Key
9
Tempo
85 BPM

Share

More Songs by Gracenote'

Albums by Gracenote'

Similar Songs