Ilusyon

7 views

Lyrics

Ilang dekada na ba?
 Nakapagtataka na
 Wala pa ring pagbabago nang pagkatagal na
 Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa
 Pagtakpan ang matagal nang halatang-halata
 Palakihan ng lote, paramihan ng kotse
 Para 'di mangamote, bayanihan ng konti
 Talagang plastikan ang forte
 Natutulog sa pansitan ang sandigan ng korte
 Sakit ng lipunan, kayo ang ebidensya
 Sakit?
 Oo pero ngayon ay epidemya
 At sa Pilipinas ang mga elektibo
 Ang nagpapakabibo at hindi epektibo
 Puro salita, pero ni wala man lang pruweba
 Magpapakapropeta para walang protesta
 Sa nakaraang problema, ano ang solusyon?
 Kung lahat ng nakikita ko, isang ilusyon
 Walang nakaisip ng nasa palagid
 Mabaho, madumi at kadalasan mainit
 Tambakan ng basura kahit na saang gilid
 Ang trapik!
 Para bang kada kalsada makitid
 Laganap na kotongan, sus Maria!
 Mga drayber tingin sa kanilang bus, Tamiya
 Kasalukuyang problema, ano ang solusyon?
 Kung lahat ng nakikita ko, isang ilusyon
 Maraming nagugutom walang matirhan
 At abot kaya na gamot wala man lang mabilhan
 Edukasyon sa lahat 'di niyo kayang pagbigyan
 Kayo ang boses ng taong 'di niyo kayang pagbigyan
 Magandang kinabukasan naorasan ko yon
 'Di ba dapat ngayon ang kinabukasan noon?
 Kinabukasan na problema, ano ang solusyon?
 Kung lagat ng nakikit ko'y isang ilusyon?
 Nasan na ba ang pagbabago?
 Wala pa rin pala
 Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
 Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon
 Nakikipagplastikan pa
 Bahala na kayo sa buhay niyo basta
 Wag nyo kong gagawing tanga
 Basta't wag niyo akong gagawin tanga
 Basta't wag niyo akong gagawin tanga
 Basta't wag niyo akong gagawin tanga
 Basta't wag niyo akong gagawin tanga

Audio Features

Song Details

Duration
03:16
Key
5
Tempo
99 BPM

Share

More Songs by Gracenote

Albums by Gracenote

Similar Songs