Sabik

6 views

Lyrics

Sana'y dinggin mo ngayon
 Ang daing ng damdaming ito
 Saan ka man naroroon
 Ako'y nagmamahal sa 'yo
 May pagkukulang ba ako?
 Bakit ika'y nagtampo?
 Maari bang sabihin mo bakit ka lumayo?
 Sabik ako sa 'yo, oh, aking mahal
 Halika na sa piling ko
 Hinahanap ko ang pag-ibig mo
 Naghihintay dahil sabik sa 'yo
 Dalangin ko t'wina'y balikan mo
 Ang tamis ng ating pagsuyo
 Daing ng puso ko
 Sana'y maalaala mong
 Sabik ako sa 'yo
 Oh, kay hapding daramdamin
 Ang mawalay sa 'yo, mahal ko
 Ngunit ako'y magtitiis
 Ito'y alang-alang sa 'yo
 Sana'y paniwalaan mo
 Hiling nitong puso ko
 Aking mahal, ikaw lamang ang buhay ko
 Sabik ako sa 'yo, oh, aking mahal
 Halika na sa piling ko
 Hinahanap ko ang pag-ibig mo
 Naghihintay dahil sabik sa 'yo
 Dalangin ko t'wina'y balikan mo
 Ang tamis ng ating pagsuyo
 Daing ng puso ko
 Sana'y maalaala mong sabik ako sa 'yo
 Sabik ako sa 'yo, oh, aking mahal
 Halika na sa piling ko
 Hinahanap ko ang pag-ibig mo
 Naghihintay dahil sabik sa 'yo
 Dalangin ko t'wina'y balikan mo
 Ang tamis ng ating pagsuyo
 Daing ng puso ko
 Sana'y maalaala mong...

Audio Features

Song Details

Duration
03:16
Key
4
Tempo
110 BPM

Share

More Songs by Imelda Papin

Albums by Imelda Papin

Similar Songs