Titig

3 views

Lyrics

Matagal na kitang sinusundan, tinititigan
 At hindi maiwasan na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
 At pinag-iisipan ko kung anong paraan
 Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
 Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala?
 Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya, oh
 Ewan ko kung pa'no ko bibitbitin
 'Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin
 Ayoko rin naman 'to kimkimin
 Kaso mukhang hindi ko pa rin 'to sa 'yo kayang banggitin
 At baka i-snob-in mo lang at 'di mo pansinin
 Bitin, kahit ano pa man ang aking inumin
 'Yung tapang ay wala pa rin, sa'n ko hihiramin?
 Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin
 Pa'no sasama kung hindi ako nag-aaya?
 Pa'no tatama kung hindi ako tumataya?
 Minsan iniisip ko na 'wag na lang kaya
 Kaso 'yung isip ko ay nagbabago din maya-maya
 At sobra sa pag-asa, kulang sa kumpiyansa
 Kaya mukhang malabong magka-tsansa
 Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo Basha
 'Yun ang matagal ko nang pantasya
 Matagal na kitang sinusundan, tinititigan
 At hindi maiwasan na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
 At pinag-iisipan ko kung anong paraan
 Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
 Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? (Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala?)
 Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya
 'Di lang ako kumikibo, matagal nang tumitibok
 Ang puso ko para sa 'yo, kaso minsan kumikirot (hmm)
 'Di ko kasi masabi, 'di ako umaarte lang
 'Di ko rin alam kung papaano aatake
 Kasi baka naman ako ay tablahin
 Kaya tinatak sa isip ko na 'wag nang tangkain
 Panaginip lang lahat ng 'yon ako ay tampalin
 Para gising na 'ko, tamang panahon, aantayin ko na lamang
 Kasi wala namang masama sa magtiyaga
 Kung para sa 'kin ka eh 'di mag-aabang ako hanggang sa mayro'ng mapala
 Kaso wala namang mapapala lalo't 'pag wala akong ginawa
 Tsaka baka mamuti lang ang mata 'pag nag-antay ng himala
 'Di naman malabo na mapansin mo 'ko kapag 'di ako nagtatago
 Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka-tayo
 Wala naman kasing ibang paraan kung sa takot ay magpapatalo
 Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo, kailangan ko yatang magbago kasi
 Matagal na kitang sinusundan, tinititigan
 At hindi maiwasan na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
 At pinag-iisipan ko kung anong paraan
 Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan (malapitan)
 Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala?
 Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya
 Oh-oh-ooh
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:36
Key
5
Tempo
136 BPM

Share

More Songs by Janine Teñoso

Albums by Janine Teñoso

Similar Songs