Oks Lang

3 views

Lyrics

Saan na 'to patungo?
 Hindi ko na kasi alam
 Hinahanap ang sagot sa bakit
 Hindi ko na kasi alam
 Hindi ka na nakikinig
 Hindi ka na kinikilig
 Hindi ka na natutuwa
 'Pag may pasalubong na isaw
 Nagbago na lahat sa 'yo
 Nagbago na lahat pati ang tayo
 Nagbago na ang 'yong tingin
 Ang 'yong ngiti, ang 'yong nararamdaman
 Ang gusto ko lang naman
 
 Ay yakapin mo ako
 Kahit hindi na totoo
 Maiintindihan naman kita
 Kung sawa ka na, kung sa'n ka sasaya
 'Wag kang mag-alala, ah
 Oks lang ako
 ♪
 Oy, salamat nga pala
 Sa mga sandali nating masaya
 Unti-unti na rin akong bibitaw
 Kahit ako na lang ang sasayaw
 Kasi malabo na lahat sa 'yo
 Malabo na lahat pati ang tayo
 Malabo na ang 'yong tingin
 Ang 'yong ngiti, ang 'yong nararamdaman
 Ang hinihiling ko lang naman
 Ay yakapin mo ako
 Kahit hindi na totoo
 Naiintindihan naman kita
 Alam kong sawa ka na, du'n ka na sa masaya
 'Wag kang mag-alala
 ♪
 Okay lang ako, 'wag kang mag-alala
 Okay lang ako, kakayanin mag-isa
 Okay lang ako basta't ikaw ay masaya
 Okay lang ako, dito lang ako
 ♪
 Naglaho na lahat sa 'yo
 Naglaho na lahat pati ang tayo
 Naglaho na ang 'yong tingin
 Ang 'yong ngiti, ang 'yong nararamdaman
 Ang huling hiling ko'y pagbigyan
 
 Yakapin mo ako
 Kahit hindi na totoo
 Maiintindihan naman kita
 Kung talagang sawa ka na, kung mas sasaya ka sa iba
 'Wag mo na akong isipin pa
 Handa na 'kong kalimutan ka
 Oks lang ako
 
 Okay lang ako
 ♪
 Ooh-woah, dito lang ako
 
 Okay lang ako
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:36
Tempo
80 BPM

Share

More Songs by John Roa

Similar Songs