Dapithapon

6 views

Lyrics

Dumating na naman ang dapithapon
 Isang araw ang nagdaan, uuwi nang walang nag-aabang
 ♪
 Heto na naman
 ♪
 Parang kailan lang, ikaw ay dumating
 Naging langit ang mundo, saksi ang buwan sa tamis ng suyuan
 ♪
 Heto na kaya?
 ♪
 Ang pag-ibig nga naman kapag nararamdaman
 Isusugal mo ang iyong puso
 Ibibigay ang lahat 'pagkat hindi singtiyak
 Ng pagsapit ng bukas
 Sa gitna ng gabi, isip ay lumalalim
 'Di madapuan ng antok, kinukurot ng 'yong alaala
 ♪
 Kamusta ka kaya?
 ♪
 Ang pag-ibig nga naman kung 'di na maramdaman
 'Di kayang pagtakpan ng sumpaan
 Ang sabi nga ng iba, "Kung talagang mahal mo s'ya
 Hahayaan mong lumisan"
 Paalam
 ♪
 Paalam, oh
 Paalam
 ♪
 Paalam, oh, oh
 Paalam, mahal
 ♪
 Umaga na naman, babangon nang muli
 Isa-isang ilalakip sa 'king puso, naiwan mong bakas
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:13
Key
8
Tempo
123 BPM

Share

More Songs by Johnoy Danao

Albums by Johnoy Danao

Similar Songs