Pagbigyan

5 views

Lyrics

Ayoko na sa'yo
 Pagkat gustong gusto na kita
 Kinakatakot ko bigla kang mawala
 Ang puso't isip ko
 Nagtatagis di malaman ang gusto
 Handa na ba akong umibig muli?
 Ba't ba urong sulong kung mundo ko'y gumulong
 Nang matikman ko ang iyong halik?
 Bahala na san mapunta
 Dama mo ba tapat kong pagsinta?
 Alam ko namang hindi madali ang magtiwala
 Heto ako sa harap mo, iyong iyo buong puso ko
 Sasama ka ba o iiwan mo kong lumuluha? Ahhh
 ♪
 Di maipapangakong di magbabago ang aking pagtingin
 Ang alam ko lang, lagi kang nasa isip
 Ikaw na nga ba ang matagal kong di inaantay
 Sadyang kaysaya kapag ika'y kapiling
 Ba't ba urong sulong kung mundo ko'y gumulong
 Nakuha mo ko sa iyong tingin
 Bahala na san mapunta
 Dama mo ba tapat kong pagsinta?
 Alam ko namang hindi madali ang magtiwala
 Heto ako sa harap mo, iyong iyo buong puso ko
 Sasama ka ba o iiwan mo kong lumuluha?
 Ahhhh ahhhh
 Pagbigyan
 Ko na
 Kaya?
 Pagbigyan
 Ko na
 Kaya?
 Bahala na
 Pagod na akong mag-isa
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:16
Key
2
Tempo
124 BPM

Share

More Songs by Johnoy Danao

Albums by Johnoy Danao

Similar Songs