Ulan

5 views

Lyrics

Maliban sa aking gitara
 Ikaw lang ang tanging nais makasama
 Nais kong maging kumot
 Sa katawan mo ako ang babalot
 Kapag nanunuot na ang lamig hihihi
 Gawin mo akong unan
 Ang sarap-sarap mo lang pagmasdan
 Alam kong nagtu-tulugtulugan ka lang
 Nadadama mo bang bumibilis ang pintig
 Ng puso kong nagpapahiwatig
 Nakikita mo ba ang mga mumunting kidlat
 Tuwing sa hugis mo ako ay lalapat (oh)
 Yan ang utos ng ulan
 Ulan wag ka munang lumisan
 Ulan ulan dalasan mo ang minsan
 Ulan ulan wala kaming nais puntahan
 Pagka-inip ay di uso
 Walang plano ngunit sigurado
 Wala na 'kong hahanapin pa
 Ikaw at ang aking gitara
 Pinagkukunan ko ng ligaya
 Pakinggan mo ang aking kanta
 Hindi na kailangan magbitaw ng salita
 Ano mang tumatakbo sa isipan
 Pinamigay na yun ng ating mga mata
 Dinggin ang paanyayang sumayaw sa aking kama (oh)
 Sa saliw ng ulan
 Ulan wag ka munang lumisan
 Ulan ulan dalasan mo ang minsan
 Ulan ulan wala kaming nais puntahan
 Ulan wag ka munang lumisan
 Ulan ulan dalasan mo ang minsan
 Ulan ulan wala kaming nais puntahan
 Wala kaming nais puntahan
 Wala kaming nais puntahan
 Wala kaming nais puntahan

Audio Features

Song Details

Duration
03:45
Key
2
Tempo
114 BPM

Share

More Songs by Johnoy Danao

Albums by Johnoy Danao

Similar Songs