Dakilang Katapatan

Lyrics

Sadyang kay buti ng ating Panginoon
 Nagtatapat sa habang panahon
 Maging sa kabila ng ating pagkukulang
 Biyaya Niya'y patuloy na laan
 Katulad ng pagsinag ng gintong araw
 Patuloy Siyang nagbibigay tanglaw
 Kaya sa puso ko't damdamin
 Katapatan Niya'y aking pupurihin
 Dakila Ka, O Diyos, tapat Ka ngang tunay
 Magmula pa sa ugat ng aming lahi
 Mundo'y magunaw man, naasahan kang lagi
 Maging hanggang wakas nitong buhay
 ♪
 Kaya, O Diyos kita'y laging pupurihin
 Sa buong mundo'y aking aawitin
 Dakila ang Iyong katapatan
 Pag-ibig Mo'y walang hanggan
 Dakila Ka, O Diyos, tapat Ka ngang tunay
 Magmula pa sa ugat ng aming lahi
 Mundo'y magunaw man, naasahan kang lagi
 Maging hanggang wakas nitong buhay
 Dakila Ka, O Diyos sa habang panahon
 Katapatan Mo'y matibay na sandigan
 Sa bawat pighati, tagumpay man ay naroon
 Daluyan ng pag-asa kung kailanga'y hinahon
 Pag-ibig Mo'y alay sa 'min noon hanggang ngayon
 Dakila Ka, O Diyos
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:33
Key
7
Tempo
80 BPM

Share

More Songs by Joni Villanueva

Similar Songs