Balang Araw

6 views

Lyrics

Balang araw, balang araw
 Balang araw, balang araw
 'Di madali, 'di madali kung lahat-lahat ay iisipin
 Ngunit sa huli, sa huli, ikaw lamang ang gustong makapiling
 'Pag maraming bagay sa 'ting nangyari na hindi inaasahan
 Kay hirap tanggapin at kayanin, harapin ang katotohanan
 Walang pagpapanggap, ginagawa'ng lahat
 Upang madama ang puso kong tapat
 'Di ko man masabi sa ngayon
 Pero pangako ko
 Maghihintay, kahit hanggang kailan
 Maghihintay, kahit na masaktan
 At kailanman, nandito lang (nandito lang)
 Walang pakialam, ang puso'y sa 'yo lang
 Balang araw (sisimulan muli), balang araw (lahat ng 'to ay dadali)
 Balang araw, balang araw, tayo rin sa huli
 Nababaliw sa bawat araw na 'di tayo puwedeng magkasama
 At gustuhin ko man, 'di tayong dalawa
 Nais ko na malaman mo na biyaya ka sa akin
 Minsan lang akong magkaganito at hindi na palalampasin
 Walang pagpapanggap, ginagawa'ng lahat
 Upang madama ang puso kong tapat
 'Di ko man masabi sa ngayon
 Pero pangako ko
 Maghihintay, kahit hanggang kailan
 Maghihintay, kahit na masaktan
 At kailanman, nandito lang (nandito lang)
 Walang pakialam, ang puso'y sa 'yo lang
 Balang araw, kahit 'di pa man sa ngayon
 Kakayanin natin pagdating ng panahon
 Ang dalangin ko, panghawakan mo ang pag ibig ko
 At sa bawat araw, ipaglalaban ka
 Hanggang umayos ang lahat, ako'y maghihintay
 Maghihintay, kahit hanggang kailan
 Maghihintay, kahit na masaktan
 At kailanman, nandito lang (nandito lang)
 Walang pakialam, ang puso'y sa 'yo lang
 Balang araw (sisimulan muli), balang araw (lahat ng 'to ay dadali)
 Balang araw, balang araw, tayo rin sa huli
 Balang araw, tayong dalawa
 Makikita mo na ang tunay mong halaga
 Balang araw (sisimulan muli), balang araw (lahat ng 'to ay dadali)
 Balang araw, balang araw, tayo rin sa huli
 Balang araw, tayong dalawa
 Makikita mo na ang tunay mong halaga
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:49
Key
9
Tempo
90 BPM

Share

More Songs by Julian Trono

Albums by Julian Trono

Similar Songs