Tulak Ng Bibig

7 views

Lyrics

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 'Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo
 Paikot-ikot lang, nalilito, oh ba't ganito?
 Paggising sa umaga, ikaw ang nasa isip
 Tulog sa gabi, laman ng panaginip
 Mahal ba kita?
 O ano?
 Ewan ko!
 Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo
 Simula nang makilala di maipinta
 Ngiti sa mata!
 Magdamag ang kwentuhan, kulitan, tawanan
 'Di ko maintindihan, bakit ngayon lang
 Kung kelan ang puso ko ay maselan?
 Hindi mo lang alam
 Takot lang akong masaktan
 Iniingatan lang aking puso
 Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
 'Di na sana tayo nagkakaganito
 Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo
 'Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo
 Paikot-ikot lang, nalilito, oh ba't ganito?
 Urong-sulong yan ang paborito
 Lilitaw, lulubog, 'tanong mo kahit sino!
 Pakisabi na lang
 Ano ba talaga'ng gusto mong gawin ko?
 Hindi mo lang alam
 Takot lang akong masaktan
 Iniingatan lang aking puso
 Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
 'Di na sana tayo nagkakaganito
 Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo
 Pakiusap lang
 Wag mo na akong tignan nang ganyan
 Nakakatunaw ang iyong tingin!
 Hinay-hinay ka lang
 Mahina ang kalaban
 Baka 'di na maiwasang
 Mahulog nang tuluyan!
 Hindi mo lang alam
 Takot lang akong masaktan
 Iniingatan lang aking puso
 Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
 'Di na sana tayo nagkakagulo-gulo!
 Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo
 Hanggang dito na lang
 Hanggang dito na lang!
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib

Audio Features

Song Details

Duration
04:59
Key
9
Tempo
130 BPM

Share

More Songs by Julianne

Similar Songs