Paraluman

Lyrics

Parang panaginip ang makita ang isang katulad mo
 At ang kislap ng 'yong mga mata
 at ang ligaya na iyong dala'y ibang-iba
 Pero sa liwanag ng umaga ay ika'y nawala
 'Di man lang nasabi na aalis ka na
 Pero hangga't may bituin sa langit ay 'di ako nag-iisa
 Maalala pa rin kita, kahit saan man mapunta
 Oh paraluman, kailan ka ba mahahagkan?
 Sabihin mo naman paraluman
 Para 'di na mainip, para 'di na mag-isip
 Kailan ka uuwi paraluman?
 Lagi kang aabangan, kahit pa matagalan
 Oh paraluman, magpakita ka naman
 Sa'king mga panaginip lang makikita
 Ang isang tulad mo (isang tulad mo)
 Nanaginip ng gising para bang lasing
 Kung saan-saan na lang nakatingin
 Kung saan-saan na lang
 Kasi sa liwanag ng umaga ay bigla kang nawala
 'Di man lang nasabi na aalis ka na
 Pero hangga't may bituin sa langit ay 'di ako nag-iisa
 Maalala pa rin kita, kahit saan man mapunta
 Oh paraluman, kailan ka ba mahahagkan?
 Sabihin mo naman paraluman
 Para 'di na mainip, para 'di na mag-isip
 Kailan ka uuwi paraluman?
 Lagi kang aabangan, kahit pa matagalan
 Oh paraluman, magpakita ka
 Kahit magbago man ikot ng ating mundo
 Kahit na umulan pa man o bumagyo
 Hindi magbabago ang pagtingin ko sa'yo
 Pangako sa'yo andito lang ako (andito lang ako)
 Kung sa panaginip lang muna tayong dalawa
 Kahit sa panaginip pangako wala nang iba (wala nang iba)
 Sa puso't isipan ikaw naman talaga (ikaw naman talaga)
 Pangako sa'yo andito lang ako
 Oh paraluman, kailan ka ba mahahagkan?
 Sabihin mo naman paraluman
 Para 'di na mainip, nakakapagod mag-isip
 Kailan ka uuwi paraluman? (kailan ka uuwi)
 Lagi kang aabangan (lagi kang aabangan)
 Kahit pa matagalan (kahit pa matagalan)
 Oh paraluman, hanggang sa susunod na lang
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:41
Key
5
Tempo
120 BPM

Share

More Songs by Kyle Raphael

Similar Songs