Sa Libis Ng Nayon

8 views

Lyrics

Kahit na gabing madilim sa Libis Ng Nayon
 Taginting nitong kudyapi ay isang himatong
 Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
 Bawat puso'y tumutugon sa nilalayon.
 Puno ng kawayan ay naglangitngitan
 Lalo na kung hipan ng hanging amihan
 Ang katahimikan nitong kaparangan
 Pinukaw na tunay nitong kasiyahan.
 Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
 Sa Libis ng Nayon doon manirahan
 Taga-bukid man may gintong kalooban
 Kayamanan at dangal ng kabukiran.

Audio Features

Song Details

Duration
02:52
Key
3
Tempo
125 BPM

Share

More Songs by Mabuhay Singers

Albums by Mabuhay Singers

Similar Songs