Sinaktan Mo Ang Puso Ko

3 views

Lyrics

'Di ko akalaing magagawa mo sa 'kin ito
 Matapos ko maibigay ang lahat-lahat sa 'yo
 Iniwan mo akong nag-iisa't nagdurugo
 Kinabukasan kaya'y mabubuhay pa ako?
 Pakinggan mo'ng aking awitin
 Inaalay lamang sa 'yo
 Sinaktan mo'ng aking damdamin
 Ngunit 'di mo na sana sinaktan ang puso ko
 Sinaktan mo ang puso ko, sinaksak mo ng kutsilyo
 Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo
 Sinaktan mo ang puso ko, ngayon ako'y naghihingalo
 Mauubusan na 'ko ng dugo, sinaktan mo ang puso ko
 ♪
 Naaalala mo pa ba no'ng nagsasama pa tayo?
 Nilalagyan mo ng bubog ang palaman ng tinapay ko
 Manonood ng sine, isang linggong naghintay sa 'yo
 Sabi mo, na-traffic ka lang, naniwala naman ako
 Pakinggan mo'ng aking awitin
 Inaalay lamang sa 'yo
 Sinaktan mo'ng aking damdamin
 Ngunit 'di mo na sana sinaktan ang puso ko
 Sinaktan mo ang puso ko, nilagyan mo ng turnilyo
 Sinunog mo ng posporo, hinampas mo ng tubo
 Sinaktan mo ang puso ko, ngayon ako'y naghihingalo
 Mauubusan na 'ko ng dugo, sinaktan mo ang puso ko
 ♪
 Ba't 'di mo kaagad sinabi sa 'king 'di mo na ako gusto?
 Nakuha mo pa akong ipakagat sa aso n'yo
 Sinisiraan mo 'ko sa harap ng magulang mo
 'Yung manananggal sa Sampaloc, ang sabi mo, kapatid ko
 Pakinggan mo'ng aking awitin
 Inaalay lamang sa 'yo
 Sinaktan mo'ng aking damdamin
 Ngunit 'di mo na sana sinaktan ang puso ko
 Sinaktan mo ang puso ko, kinaskas mo ng sipilyo
 Tinaktakan ng Ajinomoto, ipinakain sa aso
 Sinaktan mo ang puso ko, ngayon ako'y naghihingalo
 Mauubusan na 'ko ng dugo, sinaktan mo ang puso ko, oh
 Sinaktan mo ang puso ko, tinagpas ng jungle bolo
 'Pinanglinis mo ng banyo, dinikdik mo ng maso
 Sinaktan mo ang puso ko, ngayon ako'y naghihingalo
 Mauubusan na 'ko ng dugo, sinaktan mo ang puso ko
 Sa nakakarinig nito, please lang, pakibalik ang puso ko
 

Audio Features

Song Details

Duration
06:00
Key
10
Tempo
142 BPM

Share

More Songs by Michael v

Similar Songs