Nararamdaman

6 views

Lyrics

Bigla ka na lang dumating sa aking buhay
 Lahat ng kailangan mo ay aking binigay
 Tinuruan mo akong mahalin ka at ibigin ka nang tapat
 Ako'y nasilaw sa 'yong ganda, naakit ng 'yong mga mata
 Kitang-kita ko, lampas ang tingin ko sa 'yo
 Pinagbibigyan mo lang ako, sumasakay ka lang naman
 Sinisigaw ko ang aking nararamdaman
 ♪
 Sinabi mo noon sa akin na ako lamang ang mahal mo
 Kay tagal nating nagsama, iniwanan mo pa rin ako
 Masakit sa aking kalooban na ikaw ay lumisan
 Mabuti naman ang ating samahan, hindi tayo nagkalaban
 Kitang-kita ko, lampas ang tingin ko sa 'yo
 Pinagbibigyan mo lang ako, sumasakay ka lang naman
 Sinisigaw ko ang aking nararamdaman
 ♪
 Nararamdaman mo na ba ang iyong nagawa?
 Sa palagay mo kaya ngayon, ikaw ba'y maligaya?
 Kapag ikaw ay nagsawa na, saan ka na naman pupunta?
 Doon na naman ba sa dati, sa pugad ng iba't iba?
 Kitang-kita ko, lampas ang tingin ko sa 'yo
 Pinagbibigyan mo lang ako, sumasakay ka lang naman
 Sinisigaw ko ang aking nararamdaman
 (Sinisigaw ko ang) nararamdaman, (sinisigaw ko ang) nararamdaman
 (Sinisigaw ko ang) whoa-oh-oh
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:41
Key
5
Tempo
137 BPM

Share

More Songs by Mike Hanopol

Albums by Mike Hanopol

Similar Songs