Awit ng Paghahangad

1 views

Lyrics

O Diyos, Ikaw ang laging hanap
 Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad
 Nauuhaw akong parang tigang na lupa
 Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga
 Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
 Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal
 Dadalangin akong nakataas aking kamay
 Magagalak na aawit ng papuring iaalay
 Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
 Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay
 Sa lilim ng Iyong mga pakpak
 Umaawit akong buong galak
 Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo
 Kaligtasa'y tiyak kung hawak Mo ako
 Magdiriwang ang hari, ang Diyos, S'yang dahilan
 Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makamtan (KORO)
 Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
 Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay
 Sa lilim ng Iyong mga pakpak
 Umaawit, umaawit
 Umaawit akong buong galak
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:19
Key
2
Tempo
78 BPM

Share

More Songs by Musica Chiesa

Similar Songs