Pusong Umiibig

5 views

Lyrics

Hindi ko mawari (ooh), hindi ko mawari ang nararamdaman
 Sa tuwing kapiling ka
 Ngiti sa 'king labi (ooh), ngiti sa 'king labi, 'di na mabubura
 Lalo pa't inamin mo sa 'kin, ako'y mahal mo rin
 Sa wakas ay natupad din ang dinarasal at inaasam ng aking damdamin
 Dahil ang pusong umiibig ay laging masaya
 Dahil ang pusong umiibig, lungkot ay nawawala
 Kapag kapiling ka (kapag kapiling ka), abot langit ang tuwa
 Sa 'yo lang natagpuan ang tunay na, tunay na pag-ibig
 'Di makapaniwala (ooh), 'di makapaniwala na ikaw at ako
 Sa wakas ay magiging tayo
 Pintig ng mga puso (ooh), pintig ng ating puso'y iisa lang pala
 Dati ang akala ko'y wala lang para sa 'yo ang isang katulad ko
 Ngunit, ang lahat ay nagbago dahil minahal mo ako
 Dahil ang pusong umiibig ay laging masaya
 Dahil ang pusong umiibig, lungkot ay nawawala
 Kapag kapiling ka (kapag kapiling ka), abot langit ang tuwa
 Sa 'yo lang natagpuan ang tunay na, tunay na pag-ibig
 ♪
 Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
 Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh
 Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
 Tila aking nalimutan ang salitang kalungkutan
 Magmula nang una kang masilayan
 Dahil ang pusong umiibig ay laging masaya
 Dahil ang pusong umiibig, lungkot ay nawawala
 Kapag kapiling ka (kapag kapiling ka), abot langit ang tuwa
 Sa 'yo lang natagpuan ang tunay na, tunay na pag-ibig
 Tunay na pag-ibig
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:47
Key
7
Tempo
132 BPM

Share

More Songs by Myrus

Albums by Myrus

Similar Songs