Ang Panginoon Ang Aking Pastol
3
views
Lyrics
Ang Panginoon ang aking Pastol Pinagiginhawa akong lubos Handog Niyang himlaya'y sariwang pastulan Ang pahingaan ko'y payapang batisan Hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay Ang Panginoon ang aking Pastol Pinagiginhawa akong lubos Madilim na lambak man ang tatahakin ko Wala akong sindak, Siya'y kasama ko Ang hawak Niyang tungkod ang siyang gabay ko Tangan Niyang pamalo, sigla't tanggulan ko Ang Panginoon ang aking Pastol Pinagiginhawa akong lubos Inihahanda Niya sa akin ang 'sang dulang Piging sa harapan ng aking kaaway Kasiyahan Niyang ulo ko'y langisan Saro ko'y punuin hanggang sa umapaw Ang Panginoon (Panginoon ko) ang aking Pastol (ang aking Pastol) Pinagiginhawa akong lubos (ang ginhawa kong lubos) Kagandahang loob, pawang kabutihan Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay Doon sa tahanan ng Poong Maykapal Nais kong manahan magpakailanman Ang Panginoon ang aking Pastol Pinagiginhawa akong lubos
Audio Features
Song Details
- Duration
- 04:45
- Tempo
- 88 BPM